Chapter 11

729 62 17
                                    


KANINA pa sumasakit ang ulo niya sa babaing kasama niya. Paulit-ulit lang ang tanong nitong wala namang sense na pag-usapan.

"Babe naman, I'm just asking you. Bakit na iritang-irita ka na diyan? Tss!" Masungit na sabi nito.

"Tss!"

Nagdadabog na kinuha nito ang tuwalya at pumasok sa banyo.

Narinig niya ang malakas na pagsigaw nito mula sa loob ng banyo tanda ng pagkainis sa kanya.

Kung pwede nga ring sumigaw din siya para maalis din ang pagkainis niya ay ginawa na niya kanina pa.

Gusto niyang puntahan si Mary. Gusto niyang kausapin ang dalaga. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya dito pero parang pakiramdam niya kailangan niyang magpaliwanag dito.

"Haller babe?! Para kang ano diyan?" untag sa kanya ni Suzy na kalalabas lamang ng banyo.

Wala pa atang limang minuto ng pumasok ito sa loob ng banyo.

Nakatapis lang ito at may balot din na tuwalya sa buhok nito.

"I hate your shampoo and your damn bath soap... bakit hindi ka man lang nagstock ng brand ko dito?! Tss!"

"Then don't take a bath, damn that soap!" Iritang sagot niya.

"Arrgghhhss!"

Naghubad ito sa harapan niya at lumapit sa kanya.

"Maybe we can..."

"You can sleep now. Just sleep Suzy.. good night." Putol niya dito saka walang-lingon lumabas sa munting bahay niya.

Narinig niyang muli ang pagsigaw nito.

Natagpuan niya ang sarili niyang naglalakad papunta sa quarters nila Mary.

Nang  sa wakas makarating siya ay naghanap siya ng maliit na bato.

Alam niya kung saan ang silid nila Mary dahil madalas niya itong makitang nakadungaw sa bintana sa tuwing napapadadaan siya dito.

Ibinato niya sa bintana ang napulot niyang bato.

Ilang ulit niyang inulit ang pagbato sa bintana ng dalaga ngunit wala pa rin. Naisip niyang baka tulog na ito. Sabagay anong oras na rin.

"You don't have to do that.."

Bigla siyang nagulat ng may magsalita sa kung saan na boses lalaki. Hinanap niya kung saan nanggaling ang boses na narinig niya ngunit hindi niya makita. Medyo madilim ang lugar sa kung saan siya naroroon.

"Where are you?" Maawtoridad na tanong niya.

"Here.. I'm always here.."

Napalinga-linga siya ngunit hindi niya talaga ito makita.

"Who are you?" muling tanong niya.

Hindi niya malaman kung kikilabutan ba siya o maaasar sa kausap?

Narinig niya ang pagtawa nito.

Parang gusto nalang niyang maasar. Pakiramdam niya pinaglalaruan lang siya nito.

"Don't waste your time Mr. Co.." sabi nito sabay sipol.

"Where the hell are you?!"

"I'm from heaven not hell..." sagot nito.

"Nanggaling ako sa itaas at hindi sa hell Mister....."

Bigla siyang nakaramdam ng pagkirot sa sentido niya ng may marinig siyang boses babae.

My Lovely Cupid (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon