FLASHBACKS..."Siguro mas mabuti na 'yong maghiwalay nalang ta..."
"Hindi pwede!" sabat niya kay Wanda.
Hindi siya makakapayag na mauwi sa hiwalayan ang dalawa. Mabibigo siya sa kanyang misyon at tiyak iimbestigahan siya sa nangyari kung bakit hindi nagkatuluyan ang dalawa.
Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang tatlo. Kita niya ang paulit-ulit na pagbugtong-hininga ni Elfred. Alam niyang nahihirapan ang mga ito sa ginagawang desisyon ng mga ito. Maging siya ay mahihirapan kapag nagkataon na maging buo ang pasya ng mga ito.
"Pa..paano nalang si Edward? Paano ang anak niyo?" Pilit pa rin niyang sinasabi sa mga ito.
"Napag-usapan na namin niyan Dale. Hati kami sa oras at pag-aalaga sa kanya." May himig-lungkot na sagot ni Wanda sa kanya.
"Hindi nga pwede 'yang gusto ninyong mangyari! Maghihirapan ang bata sa gagawin ninyong sitwa..."
"This is good for the both of us and for our son." putol sa kanya ni Elfred.
Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito.
"Ano?! Makakabuti talaga? Naririnig niyo ba ang sinasabi ninyo?" halos pasigaw na sabi niya.
"Shut up cupid! First of all you're not part of this family! Kaya wala kang karapatan sa kung anuman ang maging pasya namin!" Sigaw ni Elfred sa kanya.
Natahimik naman siya sa ginawa nitong pagsigaw sa kanya.
"Kupido kalang! Bakit kaya hindi ka nalang bumalik sa pinanggalingan mo! Nang dahil sa pangingilam mo, mas lalo mo lang ginulo ang lahat." dugtong pa nito.
Napakagat-labi siya at nagbaba ng tingin.
"Tama na Elfred!" narinig niyang saway ni Wanda sa asawa kaya napatingin siya dito.
"Why should I stop? Oo nga naman.. ginusto mo namang gawin ang kalukuhang naisip ng kupidong ito. Nag-enjoy ka pa nga!"
"That's not true! Pinaliwanag na na..."
"Yeah right.. na pagselosin ako? Nagsayang ka lang sa kalukuhang naisip niyo!"
Nagulat siya ng biglang dumapo ang palad ni Wanda sa pisngi ni Elfred.
Parang wala sa lalaki ang sakit na natanggap nito kay Wanda na ngumiti pa ito ng mapang-inis.
"Makinig ka naman sana!" bulyaw ni Wanda dito.
"Makinig? Saan? Sa inyo? Gumagawa ka lang naman ng excuse para kumalas sa relasyong ito. Pwede mo namang sabihin sa akin na nanawa ka na, hindi 'yong ipapakita mo pa sa akin ang kalandian mo."
Kita niya ang galit at sakit sa mga mata ni Wanda sa maling paratang ni Elfred dito.
"Ano bang pinagsasabi mo?! Walang kasalanan si Wanda kaya hindi mo siya dapat pagsalitaan ng gan..."
"Sabi ng hindi ka parte ng pamilya! Leave this house cupid! Hindi ko kailangan marinig iyang mga sinasabi mo! Wala ka namang naitulong, pangpagulo ka lang!" sabat ni Elfred sa kanya.
"Anong sabi mo?! " hindi niya napigilang sigaw dito.
"Hindi ka naman siguro bingi noh? Sinira mo lang ang pamilyang ito sa kalukuhang naisip mo!"