Chapter 12

691 59 20
                                    


HALOS PABALING-BALING lamang siya sa higaan. Anong oras na, heto't dilat pa rin ang kanyang mga mata.

Hindi siya dalawin ng antok. Inaantok naman na siya. Pero kahit anong gawin niyang pagpikit ay hindi siya mahulog sa mahimbing na tulog.

Napagdesisyunan niyang tumayo mula sa kamang kanyang hinihigaan. Ngunit ganoong na lamang ang pagkunot ng kanyang noo ng mapansing nag-iisa lamang pala siya sa higaan.

"Nasaan ang babaing iyon?" Halos pabulong na tanong niya.

Sigurado siyang katabi niya ito bago siya humiga dahil nauna pang nahiga ang kaibigan niya. Hindi niya tuloy alam kung nalingat ba siya o kung ano?

"Flor?" Mahinang tawag niya.

Naglakad siya at lumapit sa may banyo.

"Flor?" Pag-uulit tawag niya. "Flor nandiyan ka ba?"

Wala siyang narinig na tugon mula sa loob ng banyo kaya kinatok na lamang niya ang pintuan.

Nakailang katok na siya pero wala pa ring sumasagot sa kanya.

"Flordelisa?"

Bigla siyang nakaramdam ng panlalamig kaya napayakap siya sa kanyang sarili.

Pinihit niya ang seradura ng pinto at gulat ng malamang bukas iyon.

Akmang itutulak niya pabukas ang pinto ng banyo ng may magsalita mula sa kanyang likuran.

"Kamusta ka na... Dale?"






"BESHIEWAP!!"

Gulat at napatanga siya sa kanyang kaibigan.

Kumurap-kurap siya.

"Hoy, anong nangyari sayo beshie?" takang tanong ng kaibigan niyang si Flor.

Parang ayaw niyang maniwala na kaharap niya ang kaibigan.

Luminga-linga siya sa paligid para hanapin ang lalaking narinig niya.

"Beshie.. may problema ba?" untag ng kaibigan.

Tinignan niya mula ulo hanggang paa si Flor. Nakatapis ito ng tuwalya. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok nito. Kakatapos lang nitong maligo ayon sa itsura nito.

"Nandiyan ka?" wala sa sariling naitanong niya dito sabay turo sa banyo.

"Ang creepy mo beshie. Of course, duh! Look oh, fresh na fresh ako from banyo." Nakatawang sabi nito.

"Pero kanina pa kita tinatawag... saka kumatok pa ako... Wa...wala ka di..."

"Hep! Beshie ah, alam kong gabi na, kaya huwag ka ng manakot diyan. And FYI beshie kanina pa ako sa harapan mo, tulale ka po."

"Hindi.. tinatawag kita hindi ka sumasagot tapos may..."

"Beshiewap saan horror film mo napanuod iyan?" tumatawang sabat nito.

Napailing na lamang siya at tinalikuran ito.

Marahil nga na imahinasyon lamang niya iyon.

"Beshiewap... sa akin ka lang makikinig."

Bigla siyang napalingon sa kaibigan. Nakangiti ito. Parang gusto niyang kilabutan sa uri ng tinging ipinupukol nito sa kanya.

Tumawa ito ng malakas. "Gotcha! Seryoso teh?"

Pinaikutan niya ito ng mga mata saka muling tinalikuran.

Bumalik siya sa kama at agad na humiga.

My Lovely Cupid (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon