"BUT babe... sama na ako sayo."
"No. I know you, hindi ka makakatagal sa mga ganoong lugar. You hated that kind of places. Right?"
"But Edward.."
"No more buts Suzy. One week lang akong mawawala. I'll call you when I got there or whenever I'm not busy. Okay?"
Nagdadabog na bigla-bigla nalang lumabas ito ng kanyang opisina. Isa iyon sa hindi niya maintindihan dito. Dumoble ang pagiging isip bata nito na kinabwibwisitan niya dito. Lagi nalang nito pinagpipilitan ang gusto nito.
Hindi na siya nag-abala pang sundan ang kasintahan niya dahil alam niyang mas lalaki pa ang ulo nito kapag hinabol at sinuyo niya ito.
"Babe! nakakaasar ka!"
Wala pa atang limang minuto ng muli itong magbalik sa loob ng opisina niya.
"Tss!"
"Promise me na magbe-behave ka doon. Ang dami pa namang mga probinsyanang ambisyosa! But of course, I'm confident na hindi mo ako ipagpapalit sa mga ganoong kababang nilalang. Right babe? I love you." Confident na sabi ng kasintahan niya.
Gusto niyang paikutan ito ng mga mata. Masyado talaga itong bilib sa sarili nito. Pero walang naman siyang balak tumingin sa iba. Para sa kanya, ito na ang babae para sa kanya.
Kilalang-kilala na niya ang ugali ng kasintahan niya. Alam niya ang lahat ng kaartehan nito sa katawan at tanggap niya ito dahil nagpapakatotoo lamang ito. Ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya. At isa pa may mga bagay man silang madalas pagtalunan ay sa huli nagkakasundo pa rin naman sila.
Maganda ito at matalino. Kilala ng pamilya niya ang pamilya nito na botong-boto sa relasyon nila. Pinagkasundo lamang sila at wala namang kaso iyon sa kanya. Ito lang ang bukod tanging babaing hinayaan niyang pumasok sa buhay niya. Mula ng maghiwalay ang mga magulang niya, hindi na siya naniwala sa pag-ibig. Hanggang sa makilala niya si Suzy. Hindi man siya sigurado sa nararamdaman niya para dito ay kontento na siyang kasama ito. Komportable na siyang isipin na ito ang makakasama niya sa hinaharap.
"Babe!"
"Huh?"
"You're spacing out!" masungit na sabi nito saka naglalambing na yumakap mula sa likuran niya. Ipinatong nito ang baba nito sa balikat niya.
Isa ito sa nagustuhan niya sa babae. Malambing ito sa kabila ng pagiging madilta nito.
"I'm sorry Suzy."
"Sa condo ka na matulog bago ka umalis?" Paglalambing pa rin nito.
"Okay." Pagsang-ayon niya.
"Really? Great! I'll cook for you and prepare something for you." Nang-aakit na sabi nito.
Gusto niyang mapailing. Ewan nga ba niya parang may mali pa rin siyang nararamdaman. Dati na siyang natutulog sa condo ng kanyang kasintahan niya. Halos doon na rin siya tumira noon. Pero isang araw, nakaramdam siya ng matinding pagkailang dito. Parang magkakasala siya kapag ginawa niya iyon.
Nagising siya isang araw na parang nakaramdaman siya ng may malaking pagbabago.
Awtomatikong napatingin siya sa labas ng makita niyang umuulan.
Biglang nanikip ang dibdib niya. Para siyang nasasaktan na hindi niya maintindihan.
"Something wrong babe? Arghhs! Umulan na naman!" Narinig niyang sabi ng kasintahan niya.
Hindi niya ito pinansin.
Mahigit dalawang taon na rin niya itong nararamdaman sa tuwing umuulan. Noong una, akala niya may sakit na siya sa puso, hanggang sa mapansin niyang tuwing umuulan lagi nalang siyang sinasakitan ng dibdib. Ilang beses na siyang nagpatingin sa espesyalista ngunit wala naman daw problema sa kanyang puso.