"GANOON ba 'yon? Baka hindi umepek...""Haya'n na naman tayo sa kaka-baka mo. Hindi natin malalaman kung hindi mo susubukan." nakangusong sabi niya kay Wanda.
"Parang hindi ko kaya Dale."
Tumabi siya dito sabay tapik ng balikat nito.
"Wanda girl, hindi ba likas sa inyong mga tao ang pagiging selosa at seloso?"
"Oo.. pero hindi ko naman kaya 'yong ganoon. May asawa na akong tao at ang pangit lang na tignan na makipag-flirt pa ako sa iba. Ano nalang ang sasabihin ng..."
"Wanda girl naman, kunwari lang 'yon. At siyempre kay Elfred your labs mo lang ipapakita 'yon." putol niya sa iba pa nitong sinasabi.
"Pero.. magseselos nga ba siya kapag ginawa ko 'yon?" May pag-aalinlangan na tanong nito.
"Kaya nga susubukan natin gawin 'yon kung may feelings siya sayo." pangungumbinsi pa rin niya dito.
Ang pagselosin si Elfred ang paraan na naisip niya para mag-aminan na ang dalawa. Medyo natatagalan na rin siya sa misyon niyang ito. Ang tigas ng ulo ng dalawa. Aamin lang naman ang gagawin nila ay hindi pa nila magawa-gawa kaya naiinis na siya.
"Wanda girl maniwala ka sa akin, epektibo itong gagawin natin. Kaya mo 'yan. Nandito lang naman ako sa tabi mo eh. Payting?" pagpapalakas-loob niya dito.
"O..okay." napipilitang pagsang-ayon nito.
Lumapad ang ngiti niya dahil sa wakas napilit din niyang gawin ang pinapagawa niya.
NAGPAALAM muna siya kay Wanda. Lumipad siya papunta kay Elfred para kumbinsihin din ito sa gusto niya.
"Yohoo papa Elfred!" Pagtatawag niya sa lalaki ng makita niya itong abala sa kung anong ginagawa nito.
Hindi siya nito pinansin kaya pinagdiskitahan niya ang halaman sa ibabaw ng lamesa nito. Gamit ang kakayahang mayroon siya ay ginawa niyang pira-piraso ang halaman at isinaboy niya sa lamesa nito.
Galit na tumingin ito sa kanya.
"What the hell is your problem again you damn cupid?!"
Nginisihan niya ang lalaki saka prenteng umupo sa mahaba at malambot na upuan na nakita niya sa loob ng opisina nito.
"Elfred boy naman nagsusungit ka na naman...."
"Stay away from me! I don't need you! I don't need your help! How many times would I tell you that?!" malakas ang boses na sabi nito.
Imbes na mainis siya sa paninigaw nito ay natagpuan niya ang sariling tumatawa.
"Hey! What's so funny?"
"Ikaw po. Sinabi ko naman sayo na kung gusto mong mawala na ako sa landas mo kailangan mo lang gawin ang pinagagawa ko sayo." tumatawang sagot niya.
"Tss! To make Wanda jealous? You know what, your tactics is very common."
Sumimangot siya sa sinabi nito.
"Gawin mo na kasi!" pangungulit niya.
"No!" tipid sagot nito.
"Sige na.. para naman ito sa forever niyo." pangungumbinsi pa rin niya.
"Hindi ka ba nakakaintindi?" galit tanong nito.
