Flashbacks...
"Natatakot ako Dale. Paano kung hindi pala kami parehas ng nararamdaman? Paano kung hi..."
"Naku Wanda. Ako na magsasabi sayo kung hindi mo susubukang sabihin sa kanya ang nararamdaman mo, wala talagang mangyayari sa inyo. Walang happy ending at lalabo ang forever sa inyo." nakangiting sabi niya dito.
Nawala na ang takot at pagkabahala niya na makita siya ng subject niya. Dalawang araw palang ang lumipas ay napalagay na niya ang loob niya sa dalawang subject niya.
"Pero Dale baka naman pwedeng panain mo nalang kami agad-agad, huwag na 'yong kailangan pa ng ganito. We already have a son."
Pinaikutan niya ito ng mga mata.
"Wanda hindi pwede ang ganoon. Kailangan maamin niyo muna sa bawat isa ang nararamdaman ninyo."
"Pero baka..."
"Baka ka ng baka. Ano kaya kung sabihin mo muna bago ka magbaka diyan."
Medyo naiinip na rin siya kahit dalawang araw palang niya nakakasama ang mga ito. Salitan siyang nakikipag-usap sa mag-asawa ng hindi nalalaman ng mga ito na parehas niyang nakakausap ang mga ito.
"It's not that easy Dale..."
"Madali lang naman."putol niya dito.
Umiling-iling ito.
Hindi niya alam kung ano ba ang pumipigil sa mga itong aminin ng mga ito sa isa't-isa ang kanilang nararamdaman? Hindi niya talaga maintindihan ang ugali ng mga tao.
"I don't know Dale. Tell me what am I going to do? Gusto ko ng masayang pamilya para sa anak ko.. para sa akin." malungkot na sabi nito.
"It's you again!" asar na sabi ni Elfred sa kanya ng maabutan siya nito sa loob ng opisina nito.
Lumawak ang ngiti niya.
"Kailan ka aamin mister kay misis?"
"Look Miss Cupid.. I don't need your help. I have my own ways..."
"You need my help Elfred." sabat niya.
Sinamaan siya nito ng tingin. Ngumiti lang siya dito. Mula ng magpakilala siya dito, pinagsungitan lang siya nito at pinapalayas pa. Kaya na raw nito ang lahat at hindi na kailangan ang tulong nilang kupido.
Mapapa-wow lang talaga siya dito.
"Save that for your next subject. I don't need your help, period!" masungit pa rin na sabi nito.
Napakamot siya ng kanyang ulo.
Biglang may pilyang pumasok sa isip niya at napangisi siya.
"Ikaw din malay mo.. malay natin biglang lumiko ang pana ko kung kani-kanino nalang.. sa dami ng tao sa mundo at naghahanap ng forever doon mapunta si Wan..."
"Dare to do that.. I'll wring your neck cupid!"
Binelatan lang niya ang lalaki. Pulang-pula ang mukha nito sa inis sa kanya, habang siya naman ay tuwang-tuwa sa nakikitang pagkainis sa mukha nito.
"Masyado ka naman highblood Elfred.. joke lang 'yon, ikaw talaga! Pfft! Ikaw at si Wan..."
"Just leave cupid!" Sigaw nito sa kanya.