Chapter 23

518 41 9
                                    

NAPASANDAL siya sa may puno habang tinatanaw ang kaibigang malungkot na nakatingin sa malayo.

Mula ng maibalik niya ito sa mundo nila ay walang sandali na hindi ito malungkot. Minsan naririnig niya itong umiiyak. Lihim man ang pagbabalik nito sa mundo nila ay natatakot siya para dito. Hindi niya alam kung saang lugar ang ligtas para dito.

"Conde."

Bigla siyang natigilan at hinanap ang nagsalita ngunit wala siyang nakita.

"Conde..."

Luminga-linga siya sa paligid ngunit hindi pa rin niya ito makita.

"Nasaan ka Flor?" Tanong niya.

"Mangyayari na ang nakatakda Conde. Mamatay na si Dale."

"Nasaan ka?!" malakas na sigaw niya.

"Iyon ang kanyang tadhana..."

"Magpakita ka sa akin Tadhana!" muli niyang sigaw.

"Condeeee!!!"

Binundol sa kaba ang puso niya na marinig ang sigaw ng kanyang kaibigan. Agad siyang lumingon sa kanyang likuran kung saan ang nakapwesto si Dale at nagulat siya ng unti-unti itong  napaluhod at sumuka ng dugo.

"Daleeee!!!"

Kasabay ng pagdilim ang paligid ay pagbuhos ng malakas na ulan na sinabayan pa ng malalakas na kidlat.

"Conde! Oy! Gising!"

Bigla siyang napabalikwas. Habol ang hiningang napaupo siya ang tumitig sa kaibigang may pag-aalala sa mukha.

"Binabangungot ka." sabi ni Dale sa kanya.

Hinawakan niya ang magkabilahang-braso nito at mariing tinitigan.

"Ayos ka lang ba Dale? May masakit ba sayo?" Tanong niya dito.

Inekspeksyon niya ito kung may sugat ito sa katawan ngunit wala siyang makita. Wala rin itong bakas na dugo sa katawan.

"Conde? M..may problema ba?"

Bahagyang lumayo siya dito at naiiling sa kanyang sarili. Nakapa niya ang sariling noo. Pinagpapawisan siya ng malamig. Naroon pa rin sa puso niya ang matinding kaba.

"Conde?" untag nito.

"W..wala Dale. Masama lang ang panaginip ko pero ayos lang ako." Pagsisinungaling niya.

Ayaw niyang mag-alala pa ito. Ang dami na nitong iniisip ayaw niyang madagdagan pa iyon.

"Ganoon ba?"

Tumango siya bilang sagot.

"Conde alis muna ako." biglang sabi nito.










"CONDE alis muna ako." paalam niya sa kaibigan.

Sa nakikita niya, mukhang may bumabagabag dito.

"A..ano?! Hindi pwede! Dito ka lang!" halos pasigaw na sabi nito sa kanya.

"Huh?! Dadalawin ko lang kasi..."

"Dito ka lang!" putol nito sa kanya.

"A..ano bang nangyayari sa'yo?" Tanong niya.

"Hindi ka pwedeng umalis. Ba..baka may makakita sa'yo. Naryan pa ang mga patron. Huhulihin ka nila."

"Kahit anong gawin kong pagtatago makikita't makikita pa rin naman nila ako. Nararamdaman na nila ako Conde dahil nagbalik na ako sa pagiging kupido ko, hindi ba? Sa tingin ko nga alam nilang nagbalik na ako." paliwanag niya sa kaibigan.

My Lovely Cupid (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon