[A/N: University of Redlands California po ang pinagbasehan ko sa University nila LJ na papasukan. Pinalitan ko lang po ng George Town University. Hindi ko na po bibigyan ng emphasis masyado yung description ng university. pasearch na lang kung gsto niyo makita. Haha.]
LJ's POV
Saktong 9:30 ng umaga narating namin ang George Town University. Andito kami ngayon sa mismong harap ng University. Sobrang nakakamangha ang school na 'to. Gaya ng mga nakikita ko sa mga movies literal na sobrang laki ng mga universities dito sa ibang bansa. Kung akala ko malaki na ang West High, nagkakamali pala ako.
Pumasok na kami sa loob kasama syempre si Ms. Caroline. Dumeretso kami agad sa Dean's office ng school. Pagkatapos magpakilala, winelcome kami ni Mr. Murphy with his glowing smile and a handshake. Binigay na rin samin after nun ang kanya kanya naming schedule. Hiwa-hiwalay daw kami pero yung iba, magkakasama parin naman daw. Depende kasi sa course namin. Yung iba Marketing, yung iba Operations Management, at Managerial Accounting. Hindi ko lang alam kung sino ang kagaya kong course. Pagkakaalam ko kasi si Camille at under Marketing.
Nung nakita ko yung sched ko, 4 days akong may pasok. Monday, Wednesday, Friday, and Saturdays. Monday and Friday from 8am hanggang 3pm lang ako, then Weds. and Sat. from 11am-6pm. Hmm, okay na rin. Nagcompare kami ng mga sched and sections pero bakit ako lang ata walang kasama?
"Ms. Caroline, bakit po ako lang ata yung may ganitong section?" Tanong ko kay Ms.
"Ah, ganun ba? Maybe because wala kang kaparehang course dito. That's why." Ang malas ko naman. Huhu.
"Okay lang yan girl! Pareho naman tayo ng break time every Fri at Sat." At nginitian niya ko.
"Sabagay. Nabigay na ba yung mga cellphones natin?" Inayos kasi nila yun para daw magamit namin dito yung mga yun. Sabagay nga naman, wala namang Globe or Smart dito.
"Baka pagkatapos dito." Sabi ni Cams.
Maya maya pa, bumalik na si Ms. Caroline mula dun sa loob ng office ng dean at binigay na rin mga phone namin. Inabot ko na yung Iphone5 ko. Di naman sa pagmamayabang, pero gift sakin to ni Celine nung dumating yung Daddy niya galing Canada. Ang swerte ko sa best friend ko talaga. Haha!
After nun, sinave na namin mga kanya kanyang number namin.
"Okay guys, you help yourselves tour the campus afterwards. I still have some important matters to do. You may go to your classes too." Pahayag ni Ms. at lumabas na kami sa dean's office.
Sa laki netong campus pwede akong mawala dito eh. Teka anong oras na ba? 10:15am palang. Since Weds. ngayon, 11 pa start ng class ko so pwede pa kong kumaen ng lunch. Naghiwa-hiwalay na kami. Si Camille on going na ang klase niya, yung iba walang klase kaya mamamasyal siguro sila panigurado. San kaya yung canteen dito?
Pumunta ako sa information section at nanghingi ng campus guide map. Woah. Ang laki naman neto masyado. Since nasa main building ako, nasa kabilang building pa yung Cafeteria ang mga kung ano anong kainan. Kailangan ko pang dumaan sa mini oval nila to cross the other building.
Habang naglalakad na ko sa labas, nakikita ko ang mga students na busy-ng busy sa mga ginagawa nila. Yung iba, nagpa-practice ata for cheerdance. Yung iba tumatakbo sa field. Yung iba naglalaro lang. Yung iba nasa benches nag-uusap. sa kabilang banda ng oval naman may mga couple na naghahalikan? Speaking of culture difference, iba talaga dito. Pero syempre mas iisipin kong makarating sa Cafeteria dahil nagugutom na ko at maghahanap pa ko ng room ko.
*fast forward*
Tapos na ko kumaen at nahanap ko na rin ang room ko. Aba inabot din ako ng siyam-siyam kakahanap. Haggard na koooo! Dito na ko sa loob ng room. Sa dulo ako syempre umupo. Di naman ganun kadaming students or hindi lang pumasok yung iba. Ang awkward lang kasi pinagtitinginan ako ng halos iilan sa mga kaklase ko. Maya-maya, dumating na yung professor namin.
BINABASA MO ANG
When I Love You (My own happy ending)
Teen Fiction"We love life not because we are used to living, but because we are used to loving." A story about how beautiful life is with love. Kailan ba natin malalaman kung happily ever after na? Kailan ba natin malalamang totoo ang forever and ever? Do they...