Chapter 14: Papa/Mommy

21 0 0
                                    

Lj's POV

Tatlong linggo na rin ang nakalipas nang makalabas na si Nicole sa ospital. Tuloy parin naman ang pag-inom niya ng gamot at sabi ng doctor twice a month siya magche-check-up. Buti nalang at sembreak ngayon kaya naaalagaan ko si Nicole kapag nasa Q.C si mama.

"Ate! May ice cream. Bili tayo." Tuwang sabi ni Nicole. Andito kami ngayon sa park sa loob ng subdivision namin.

"Oh sige." At ginulo ko ang buhok niya. Balik na ang sigla niya at parang walang nangyare. Kapag wala na kaming magawa sa bahay, pumapasyal kami dito.

Pagkatapos namin bumili, umupo kami sa swing. Para kaming mga maliliit na bata na naglalaro sa playground habang kumakaen ng ice cream.

"Naalala mo ba dati, ate? Takot ang mga bata sayo dahil sinisigawan mo sila kapag inaaway nila ko. Haha." Pag-alala ni Nicole.

"Oo nga eh. Mahilig ka kasi sa swing na to eh. Umiiyak ka kapag hindi ka makasakay dito."

"Tsaka lagi tinutulak ni papa yung swing kapag kasama natin siya." Biglang nalungkot ang boses niya.

"Namimiss mo na siya no?" tiningnan ko ang kapatid ko.

"Oo. Sobra." Tumingin siya sakin at ngumiti siya. Ngiting may halong lungkot.

*Flashback*

"Sino gustong mamasyal sa park?" Masiglang tanong samin ni papa.

"Ako! Ako!" Halos sabay naming sabi ni Nicole. Nasa murang edad pa kami nun, kasama pa namin si Papa. Buo kaming pamilya. Masaya.

"Magpaalam na kayo sa mama niyo!" Sabi ni papa sabay gulo ng buhok namin. At tumakbo kami sa kusina kung nasaan si mama. Nag-aayos pala siya ng dadalhin naming pagkaen sa park.

"Mama! Mama! Mamamasyal lang po kami nila papa ha?" Paalam ng bunso kong kapatid.

"Oo naman. Oh, para di kayo magutom dun." Inabot sakin ni mama ang basket na nakangiti. "Wag kayo masyadong lalayo sa papa niyo ha?"

"Sige po. Aalis na po kami." At tumakbo na kami sa sala kung san naghihintay si papa. Hinatid kami ni mama sa may pinto.

"Mag-iingat kayo." Sabi ni mama kay papa at hinalikan siya ni papa. Kita pa naming masaya pa ang pamilya namin.

Pagdating namin sa park, naghanap ng built-table na pwede naming mapwestuhan. Medyo madaming mga bata ang naglalaro.

"Oh, maglaro na muna kayo. Ayusin ko lang tong pagkaen natin." Nginitian kami ni papa at hinalikan na sa ulo.

Ito ang mga oras at panahon na wala kaming inisip kundi maglaro ng maglaro. Walang problema. Masaya kaming apat. Si mama, si papa, ako, at si Nicole. Buo kami.

"Bata, pwede bang ako naman?" Sabi ni Nicole dun sa batang nakasakay sa swing.

"Ayoko nga! Nauna ako sayo dito eh." Sagot nung bata.

"Kanina ka pa dyan eh. Ako naman."

"Ayoko sabi eh!" at narinig kong sigaw ng bata sa kapatid ko. Lumapit ako sakanila.

"Bata, pwede bang sumakay yung kapatid ko dyan? Saglit lang naman tapos ikaw naman." Pakiusap ko.

"Sabi ko ayoko dba?" pagsusungit ng bata. Biglang umiyak si Nicole. Dahil dun, nainis na ko.

"Nakikiusap ako ng maayos sayo bata! Hindi mo ba maintindihan?! Gustong sumakay ng kapatid ko dyan! Kapag di ka umalis dyan tatadyakan kita at susuntukin!" At pinakita ko pa yung kamao ko sakanya. Mukhang natakot naman yung bata kaya tumakbo na siya paalis. Buti nga. Haha.

When I Love You (My own happy ending)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon