Chapter 32: Again...

42 0 0
                                    

Stephen’s POV

“This past few days napapansin kong lagi kang tulala. What’s wrong?” I asked Jaynne.

“A-ah. Nothing.” She lied. I know something’s wrong. Hinawakan ko ang kamay niya.

“C’mon. Tell me. I’ll listen. Is it about work?” tiningnan niya ko and then smile.

“Nope.”

“About me?” Napansin kong nagbago ang expression ng mga mata niya.

“H-ha? No.”

“It’s about me right? What is it? Did I do something? C’mon. Di ako magagalit. Just tell me. Ayoko na nanghuhula sa iniisip mo.” I slightly press her hands on mine. Tiningnan niya ito.

Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim. Nakayuko pa rin siya. Nakatingin sa kamay namin.

“It’s not about you. Ako.”

“Why? Masama ba pakiramdam mo? Are you sick?” Bigla akong nag-aalala.

“Hindi. Hindi yun.” Umiling iling siya.

“Eh ano? Please. Tell me. You make me worry.”

“I’m sorry. I’m really sorry.” Naramdaman ko ang paghikbi niya. She’s… crying.

“Hey. Are you crying? What is it? Sabihin mo sakin.” Sinubukan kong iangat ang ulo niya para makita ko pero she insisted. Hindi siya tumingin. Nakayuko parin siya. Hinawakan niya yung kamay namin with her free hand.

“Natatakot akong sabihin sayo dahil alam kong masasaktan na naman kita at ayokong mangyare yun.” Humihikbi na naman siya.

“Mas sasaktan mo ko kung hindi mo sasabihin diba? I have no freakin’ idea. I’ll try to understand. Kung nahihirapan kang sabihin sakin ibig sabihin it’s that serious right? Susubukan intindihin para di ka na mahirapan.” I assured her.

Umiling-iling na naman siya.

“No. You won’t understand because neither do I. Ang bilis ng nangyare. Hindi ko alam gagawin ko.” Nagulat ako ng naramdaman ko ang pagpatak ng luha niya sa kamay ko. This time, inangat ko ang ulo niya to finally see her in tears. I cupped her face. Pinunasan ko ang luha niya.

“Jaynne. Ano ba talaga yun? Why do you have to cry? Alam mong ayokong nakikita kang umiiyak. Kahit anong hirap iintindihin ko wag ka lang umiyak. Please.” I kissed her forehead. Tiningnan ko siya at hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa pisngi niya.

“Alam mo namang special ka sakin dba? You have this part in my heart that will always be here with me. Tandaan mong napaka-importante mo para sakin.” She started. Kinabahan ako. What’s the meaning of this? Is she going to dump me? Biglang kumirot yung puso ko sa isiping yun. Hindi. Wala namang problema samin eh.

“Yes. I know. Why are you teliing me that this time?” tinanggal niya yung kamay ko sa mukha niya pero hawak hawak niya parin yun.

“I always love you no matter what. Pero I have to tell you this.”

“Tell me what?” Bigla siyang tumayo.

“Wait. Where are you going?” takang tanong ko sakanya.

“Sandali lang.” at tumalikod siya at parang may tinawag sa may entrance ng restaurant. Andito kami sa Lemuria having dinner. Our table is just 3 tables away from the door.

When I Love You (My own happy ending)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon