Chapter 13: Being with you...

46 1 0
                                        

Lj's POV

"Waaa! Grabe. Ang ganda mo Bes!!!!" Bakit ba ang hilig naman sumigaw netong babaeng 'to. Kita na yung vocal chords neto. Haha! Joke lang.

"Ate Celine naman! Ako dapat magsasabi niyan hindi ikaw!" Nag-pout yung kapatid ko. 

"Magsitigil nga kayong dalawa. Ang iingay niyo naman." Reklamo ko.

Andito kami ngayon sa kwarto ko. Kakatapos lang nila ko ayusan. Bakit kamo? Magde-date lang naman kasi kami ni Bryan eh. Haha! O-ha? O-ha? Oo. Kami na. As in official na kami na. ^^ Kung pano ko siya sinagot? Hay nako. Kahit nakakainis man yung ginawa niya, nakakatuwa pa rin na malamang nagmamahalan kami.

*Flashback*

Habang nagtutupi ako ng mga damit ko sa kwarto biglang nag-ring yung phone ko. Saturday ngayon kaya wala akong pasok. 

"Hello? Bes?" Sagot ko sa tumatawag.

"Bes... Si Bryan." Bigla kong kinabahan. Nanginginig yung boses ni Celine. Parang umiiyak.

"Ha? Bakit? Ano nangyare?" Kabadong tanong ko.

"Bes. Pumunta ka na dito sa ospital." At bigla na siyang naiyak.

"Bes! Ano ba! Ano nangyare? Bakit kayo nasa ospital? Si Bryan? May nangyare ba?" Nagpa-panic na ko. Ano meron?

"Hihintayin ka namin dito. Bilisan mo na please. Si Bryan..." Nanghihina ako sa naririnig ko. May nangyareng masama kay Bryan?

"Saang ospital kayo?" Tinatagan ko sarili ko. Pagkatapos banggitin ni Celine ang address ng ospital agad na akong umalis. Di na ko nagpalit kaya naka-maong shorts lang ako at naka-shirt. Nasa ospital na ko nung narealize kong pambahay pa pati tsinelas ko.

"Nurse, san po yung room ni Bryan Westley?" Pagmamadaling tanong ko sa nurse dun sa nurse's station.

"Room 412 po."

"Salamat ho." At tumakbo na ko papuntang elevator. Habang palapit ako ng palapit sa pinto ng kwarto niya ganun din ang paglakas ng kabog ng dibdib ko. Yung tuhod ko nanghihina. Halos pinipilit ko pang humakbang.

Binuksan ko yung pinto. Bumungad sakin si Bryan, nakahiga sa kama, may oxygen at kung anong apparatus ang nakakabit sakanya. Sa tabi ng kama niya si Celine, umiiyak. Si Paolo nasa kabilang side ng kwarto nakasandal sa pader na parang iiyak na rin.

"Paolo, anong nangyare?" Mahinang tanong ko. Parang napa-paralyze yung katawan ko.

"Bryan! Gumising ka na. Andito na si Lj oh. Please!" Niyuyugyog pa ni Celine ang kamay ni Bryan.

"Ano ba nangyare? Celine! Sagutin mo ko!" Napasigaw na ko sa sobrang pag-aalala ko.

"Kausap ko siya sa phone *Sniff* kanina tapos *sniff* sabi niya puntahan daw siya *sniff* dito. Pagdating namin *sniff* hinahanap ka niya. Tapos *sniff* tapos *sniff*." Tuloy ang iyak ni Celine.

"Tapos ano?! Bes naman!" Naiyak na ko. 

"Bigla na siyang pumikit at hindi na nagising." Si Paolo ang sumagot.

Tuluy-tuloy ang tulo ng luha ko. Lumapit ako sa tabi niya. Umupo ako at hinawakan ang kamay niya. Hindi ako makahinga. Bakit? Ano nangyare?

"Bryan. Andito na ko. Gumising ka na. Please? *Sniff* Ang dami ko pang gustong sabihin sayo. *Sniff* Wag ka namang ganyan. *sniff* wag mo ko iwan!" Pilit ko siyang ginigising. "Bryan! Ang daya naman eh! *Sniff* Please... Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kelan naman mahal na kita. *Sniff* Bryan, mahal kita. Wag mo ko iwan." At sinubsob ko yung ulo ko sa kama habang hawak ko pa rin ang kamay niya.

When I Love You (My own happy ending)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon