Chapter 12: Starting New

40 1 0
                                    

Lj's POV

"WAAAAAH!" Susme. Nakakabingi naman tung tili ni Celine. -__-

"Uy. OA ah? Nagkaaminan lang kami. Ano pa kaya reaksyon kung hindi lang ganun nangyare? Haha."

"Nako nako Bes! Masaya lang ako! May lovelife ka na sa wakas after 19 years!" Yumakap siya sakin.

"Hoy. Masyado mong ine-exaggerate naman! Tumigil ka na nga." Sabi ko habang inaayos ko yung gamit ko sa cabinet.

"Masaya lang ako Bes ano ka ba! Syempre imagine mo, anak ng may-ari ng university ang lovelife mo! Oh dba bongga?" May pag emote emote pa to.

"Grabe. Ganun ba tingin mo sakin? Na nagustuhan ko siya dahil dun? Psh"

"Hindi ah, loka ka. Bagay naman kayo eh. Isa pa alam kong siya na siguro ang matagal mo nang hinihintay na prince charming."

"Haha. Nahahawa ka na sakin. Teka, bakit ka ba nandito? Wala kayong lakad ni Pao?"

"Ayaw mo na ko makasama? Tinataboy mo na ko." At kunware umiiyak siya.

"Haha. Tigil mo nga yan. May boyfriend ka na. Hindi bagay! Nasan ba si Pao?"

"May practice siya eh. Tska baka magsawa sakin agad yun kapag buntot ako ng buntot sakanya."

"Ah. Kaya pala. Oh teka. Magkwento ka pano mo sinagot si Pao?" Excited kong tanong.

At nagsimula na siya magkwento.

--

Paolo's POV

Ang totoo niyan hindi naman ako nagpa-practice. Hindi ako nagsinungaling kay Celine ah. Disguise lang yun kasi magkikita kami ni Bryan ngayon. Ayaw niya ipasabi kay Lj, di ko din alam kung bakit eh.

"Hey Paolo. Kanina ka pa?" Si Bryan na kakadating lang. Andito kami sa Starbucks.

"Hindi. Halos kararating ko lang din."

"Ah. Sorry. Medyo traffic eh. Order na muna ko." At umorder nga siya. Nagcoffee lang naman kami.

"Oo nga pala, ano gusto mo pag-usapan at ayaw mo pa malaman ni Lj na magkikita tayo ngaun?"

"Uhm, last night nagconfess ako sakanya and she said she likes me too."

Muntik ko na mabuga yung iniinum ko. Totoo?

"Ha?! Talaga? Seryoso?" Di pa ko makapaniwala.

"Why? Does it look like na hindi siya magkakagusto sakin?" Aba gusto pa ata magyabang nito ah?

"Ha-ha. Nakakatawa pare. I mean umamin din siya? Kilala ko si Lj, hindi siya ganun ganun nagkakagusto agad."

"Hmm, is that so? Maybe she just felt it."

"To be honest pare, nauna ko talagang magustuhan si Lj bago si Celine. Nakilala ko lang si Celine dahil kay Lj." Panimula ko.

"Then? What happened?"

"Unang kita ko pa lang noon kay Lj nung first year college namin naging crush ko na agad siya. Hindi lang dahil sa maganda talaga siya pero kung titingnan mo siya lalo pag nakangiti, parang ang sarap niyang alagaan." Napansin kong nakikinig lang siya. Kaya tinuloy ko ang pagshare.

"Simula nun, halos naging stalker niya ko. Nalaman kong magkaiba kami ng course. Pati mga accounts niya sa social networks inalam ko. Kapag free time ko, hinahanap ko talaga siya sa buong campus. Hindi ko na minsan namamalayan na di na ko nakapaglunch break kakahunting sakanya. Kung bakit ba ang laki ng West High eh." At natawa ko. Haha. Nakangiti din siya.

When I Love You (My own happy ending)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon