Celine's POV
Malapit na ulit magpasukan pero hindi pa kami nakakalabas na apat. Si Lj inaalagaan si Nicole. Tatlong beses nga lang ata ako nakadalaw sakanila eh. Si Bryan naman busy din sa training niya sa company nila. Si Paolo madalas akong bisitahin at minsan lumalabas kami. Pero namimiss ko na kasama ang barkada.
"Beb, yayain ko kaya yung dalawa? Makapag-break man lang sila sa mga ginagawa nila. What do you think?" Sabi ko kay Paolo. As usual andito siya sa bahay.
"Ayos lang. Kung pwede sila pareho. Namimiss ko na rin yung dalawang yun eh." Sagot niya habang naglalaro parin ng xbox.
"Sige. Tawagan ko si Lj." at dinial ko na number ni Lj. Ilang ring palang sinagot na niya.
"Bes. Napatawag ka?" sagot niya.
"Ah. Nami-miss na kasi kayo namin. Yayain sana namin kayo mag-date. Labas naman tayong apat. Di pa tayo nakukumpleto simula nung sa ospital."
"Oo nga eh. Osige. Sasabihan ko si Bryan."
"Wow! Thanks bes. Magkita kita na lang tayo sainyo." Masayang sabi ko. "Mag-ayos lang ako ha?" at tinungo ko na ang kwarto ko para magbihis.
--
*Mall*
"Waaa! Nakakamiss yung gala nating apat! Haha." Sabi ko sabay taas pa ng dalawang kamay ko.
"Thanks for inviting." Si Bryan. Naglalakad lakad kami ngayon dito. Nasa harap kami ni Paolo samantalang silang dalawa naman ni Lj, nasa likod namin.
"Ang bi-busy niyo kasi eh. Kaya naisipan ko bago man lang kami ulit magpasukan makalabas tayo. Magiging busy na naman kasi kami sa school dahil nga last sem na lang namin." -Ako.
"So, dapat mag-enjoy lang tayo ha?" Humarap si Paolo sakanila at nag-okay sign pa.
Pumunta kami ng Timezone at naglaro laro. Kaming dalawa ni Lj nag-car racing. Yung dalawa naman nagbasketball. Grabe. Sinong mag-aakala na mga graduating na kami. Para kaming mga batang ngayon na lang ulit nakapaglaro. Hehe.
Pagkatapos nun sumayaw kaming tatlo sa Dance Revo. Si Bryan ang kj ayaw sumama. Haha. Ang saya namin. Puro lang kami tawanan. Pano, 'tong si Paolo kung ano anong steps ang ginagawa. Kahit ang daming nanunuod samin wala siyang pakialam.
Naka-isang oras din kami dun ah. Lahat na ata ng pwedeng laro dun nilaro naming apat. Haha! Since pare-pareho na kaming pagod, nag-decide kami na kumaen na muna.
"Hindi ka naman gutom niyan, Pao no? Haha." Sita ni Lj sakanya. Pano, pang limang tao ang order niya. Matakaw talaga 'yan kaya wag na po kayo magtaka.
"Ginugutom kasi ako ni Celine." At nag-pout pa. Aba. Loko to ah. "Aray!" sinuntok ko nga. Hehe.
"Puro kalokohan kasi sinasabi mo eh. Haha."
"Sorry na. Pasalamat ka kahit sadista ka, mahal parin kita."At kinurot niya ilong ko.
"Aray! Gusto mo suntukin na naman kita?" banta ko sakanya.
"You two really look good together." sabi ni Bryan at medyo natatawa pa.
"Ang cute nga nila eh. Haha" dugtong ni Lj.
"Kayo din naman eh. Maswerte ka lang kasi di sadista tong si Bryan." Si Pao. Aba kanina pa to ah.
"Namumuro ka na sakin Paolo Cervantes ah!" nilakihan ko pa siya ng mata.
BINABASA MO ANG
When I Love You (My own happy ending)
Teen Fiction"We love life not because we are used to living, but because we are used to loving." A story about how beautiful life is with love. Kailan ba natin malalaman kung happily ever after na? Kailan ba natin malalamang totoo ang forever and ever? Do they...