Chapter 29: Getting over

27 1 2
                                    

Bryan's POV

I've been reaching out to Lauren pero she's really avoiding me. She ignored all my messages, calls, at sa twing bibisita ako sakanila lagi na lang sasabihin ni Nicole or ni tita na ayaw niya kong makita. I really feel sorry. I really feel bad. It's been 2 weeks. Kapag naman natataong may gig siya pinupuntahan ko sa resto pero kahit si Celine ayaw ako palapitin kay Lauren.

"Pare, hayaan na lang muna natin sila. Isa pa, nasaktan talaga siya." tinap niya ko sa balikat at bumalik sa table nila. Wala akong nagawa kundi umalis na lang.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. I missed her. I missed her so much. Ano ba tong nagawa ko?

"You're not coming to the project site anymore. You're not even answering my calls. What's with you?" Sam asked. Andito siya sa condo ko.

"I screwed up." napatakip ako ng mukha gamit at dalawang kamay ko.

"Please... stop acting like this. It's irritating me." I can hear her voice na naiinis na nga siya.

"I told you. I love her." tiningnan ko siya. Tama. Ngayon lang ulit ako nagising sa katotohanan. Masyado akong nagpadala sa mga nangyare samin ni Sam. Alam ko na ngayon na ayoko mawala si Lauren sakin.

"You're a jerk! You're hurting me! I hate you!" she threw tantrums to me and umalis na rin siya.

Friday ngayon. Tutugtog na naman si Lauren. I want to see her. So I decided to go t the resto. Maaga pa dahil 6 palang naman pero nagsimula na agad akong uminom. Mabigat yung pakiramdam ko. I need to let this out. Nakakailang bote na ko ng dumating si Celine at Paolo. Binati ako ni Pao pero hindi man lang ako tiningnan ni Celine.

"Pasensya ka na 'pre." sabi ni Pao at tumabi sakin dito sa may bartender.

"It's okay. She has the right to be angry. Pero pre, pasensya na rin. I hurt Lauren. Hindi ko sinasadya." napayuko ako. I feel very sorry. Tinap niya ko at uminom ng beer.

"Sana nga lahat ng sakit nadadaan sa sorry. Kaso hindi eh. Hayaan na lang muna natin siyang maghilom yung sugat. Kahit ako man, hindi ko mapapalampas yung ginawa mo sakanya pero alam kong di mo sinasadya. Naniniwala akong di mo sinasadya." yun lang ang sinabi niya at umalis na siya. Tinabihan na niya si Celine. Nakita kong nag-aaway sila. Hay. Inaaway siya ni Celine dahil kinakausap niya na naman ako.

30 minutes pa ang lumipas at nakita kong pumasok si Lauren sa resto kasama si Stephen. Napatayo ako at lalapitan ko sana siya pero humarang si Stephen.

"I told you not to show your face to her." nakita ko siyang nagtago sa likod ni Stephen. Ayaw niya parin akong kausapin.

"Lauren... I'm sorry." pero hinawakan siya ni Stephen at umalis na.

Napainom na naman ako. Nagstart naman na siyang kumanta. Ramdam kong sobrang nasasaktan parin siya. Kitang-kita sa mga mata niya. At puro malulungkot ang kinakanta niya. Hindi ko na kaya. Parang sasabog yung dibdib ko sa sobrang sakit. Ayoko ng ganito. Naramdaman kong nahihilo na ko. Kaya kinuha ko yung phone ko at tinext si Sam na sunduin na ko dahil hindi ko na rin kayang mag-drive.

Habang hinihintay ko si Sam, I was watching her. Gusto ko siyang lapitan at yakapin. Pero alam kong hindi ko magagawa yun. Di niya ko hahayaan.

"Someday... you're gonna realize...

Someday, you'll see this through my eyes...~"

Hearing her sing it, napatalikod ako at biglang tumulo yung luha ko. But I don't want to lose composure. I still watched her... kahit na ang bigat sa pakiramdam.

When I Love You (My own happy ending)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon