Celine's POV
Simula nung araw na nakasama namin si Bryan, naging trio na ang super duo na samahan namin ni Pao. Lagi nang sumasama si Bryan samin. But same as usual, hindi siya madalas magsalita o ngumiti. Kapag ngingiti siya yung medyo pilit pa di ko pa nga naririnig tumawa yun eh. Parang napakaseryosong tao niya at napaka mysterious. Pero kahit ganun, ramdam ko na isa siyang mabuting tao.
Andito ako ngayon sa oval. Hinihintay ko sila Pao at Bryan. Last day na ng exam ngayon which means last day na rin ng sem. Bakasyon na! Yey.
"Hi..." bati ni Bryan. Di mo malaman kung galit o ano eh. Walang emosyon. Haha.
"Oy. Kamusta exam? Panigurado naman pasado ka eh. Baka nga sisiw lang yun sayo eh. Haha."
"Hmm, medyo. Where's Pao?"
"Wala pa eh. Mukhang nahirapan sa exam. Major exam niya ata ngayon eh."
"Oh, I see."
Then, there comes an awkward silence. Alam ko na.
"May gagawin ka ba ngayon? Iniisip ko kasi pumunta ulit sa Resto Bar. Chill lang since tapos naman na yung sem."
"Osige. Besides, na-uunwind ako kapag may nakakasama. Thank you for that." At ngumiti siya bahagya.
"Di ba pdeng ngumiti ka na lang palagi?" Bulong ko sa sarili ko.
"What?"
"Ah, wala. Hehe."
"Uuuy. Sorry. Natagalan ako. Grabe yung exam ko. Ang hirap putek. Buti na lang nareview ko yung iba dun. Hehe." Sabay kamot sa ulo. May alam nman yang si Pao eh. Tamad lang mag-aral.
"Sabi ko naman kasi sayo, bawas-bawasan mo paglalaro ng basketball kapag exam na. Yan tuloy." At hinampas ko siya ng mahina sa braso.
"Hehe. Sorry na. Hindi ko na kayo tatanungin alam ko namang yakang yaka niyo eh. Dba tol?" At parang binunggo niya si Bryan. Di naman ito umiwas.
"Hindi naman." Ngumiti na naman siya. Tipid nga lang.
"Oh, ano plano?" Masiglang tanong niya.
"Napag-usapan naming pumunta ng Resto Bar. Sama ka?"
"Aba. Syempre naman. Tara na." At inakbayan niya si Bryan at naunang maglakad. Aba iniwan ako. -__-
Dahil may sasakyan tung si Bryan, dun na kami sumakay at dumeretso na sa pupuntahan namin. 6:30 na kaya maaga pa. Di pa rin karamihan yung tao.
Umupo kami sa favorite table namin ni Bes. Hay. Naalala ko na naman siya. Umorder kami ng makakaen. At kumaen na. Unti unti na ring dumadami yung tao. Maya maya nagsimula na ring tumugtog yung banda.
Lumilipad na naman yung isip ko.
"Hoooy. Tulala ka dyan. Iniisip mo na naman best friend mo." Tapik din ni Pao.
"Hay. Sana siya padin yung nandyan sa stage ngayon kumakanta." Nag pout ako.
"Ano ka ba. Ayan ka na naman. Wag ka na nga mag-isip dyan." Ginulo ni Pao ang buhok ko.
"Pagpasensyahan mo na to 'pre. Nagda-drama na naman. Hehe." Tukoy niya kay Bryan.
"No. It's okay. Nasan na yung best friend mo?" Tanong niya sakin.
"She's in States. Matalino kasi yun kaya nakapasa siya sa mga nakuhang exchange students. Next year pa balik niya eh. Magbibirthday nga siya ng wala dito eh. Tska Christmas at New year."
BINABASA MO ANG
When I Love You (My own happy ending)
Novela Juvenil"We love life not because we are used to living, but because we are used to loving." A story about how beautiful life is with love. Kailan ba natin malalaman kung happily ever after na? Kailan ba natin malalamang totoo ang forever and ever? Do they...