Stephen's POV
"I prepared everything for Lauren. I think she would love to see you on her birthday." Sabi ni Kuya. Andito siya sa unit ko.
"Okay. I'll come." sabi ko without looking at him. Gumagawa kasi ako ng report ko for company assistance. And I don't feel like looking at him.
Since hindi ko siya masyadong kinibo, umalis na siya leaving the plane ticket. I stopped at tiningnan ko yung binigay ko.
"Palawan?" I just smirked and bumalik na sa ginagawa ko. Of course I need to go. It's Jaynne's birthday. It's her special day. But something happened.
*Airport*
Nauna ako dito sa airport. Everyone else is not yet here. Kaya syempre naghintay na lang ako. Nilabas ko yung phone ko at sinaksak ko yung headphone ko. Makikinig nalang ako ng music. Kinuha ko yung wallet ko sa back pocket ko para tingnan ulit yung time ng ticket. Baka nagkamali lang ako ng tingin pero tama naman. Binalik ko na saka umupo.
Ilang minuto pa I felt the comfort room calling me. Haha! Naglakad na ko papuntang CR with my bag pack. Palinga-linga ako sakaling makita ko sila kapag nakarating na sila. Malapit na ko sa CR ng may nagkagulo. May nakita akong babaeng tumatakbo sa direksyon ko. Napahinto ako. Tinitingnan ko lang siya pero feeling ko babanggain niya ko. Ah hindi, iiwas sakin to. Nakikita naman niya ko eh. Hindi niya ko---
*Booogsh*
"Ouch!" napahawak ako sa pwet at likod ko. Grabe ang lakas ng babaeng to.
"Are you okay, Miss?" tinry kong tumayo para itayo rin siya. Hindi siya tumingin sakin bigla na lang siyang tumakbo.
"Weird." nabanggit ko. Tapos sinundan ko lang siya ng tingin. Nagmamadali parin siya. Naka-leather jacket siya na khaki, black pants, at naka beenie. Normal girl.
Napahawak ako sa pwet ko ulit kasi ang sakit. Pero nung kinakapa ko na yung bulsa ko...
"MY WALLET!" at nagpalinga linga ulit ako. There! Papalabas na siya ng airport. Tumakbo na ko para maabutan ko na siya.
"Sh*t!" Sabi ko dahil ang dami bigla ng tao. Nahirapan ako lumabas. Paglabas ko nakita ko siyang papunta na ng hiway. Tumigil siya dahil nag-aabang ata siya ng masasakyan. Binilisan ko na kaya naabutan ko rin siya.
"Hey you!" nakabend pa ko hawak ang tuhod ko. Napagod ako dun ah! Lumingon siya sakin. Tinaasan niya ko ng kilay. Aba!
"Bakit?" Ano siya pa galit?
Umayos ako ng tayo ng medyo nakarecover na ko. Nilahad ko yung left hand ko.
"Hand me my wallet." I said coldly.
"Pinagsasabi mo?" at inirapan niya ko. Tila tumitingin kung san para pumara ng jeep.
"Hey! Sabi ko akin na yung wallet ko! Binunggo mo ko kanina para kunin yung wallet ko dba? I need that now!" sabi ko sakanya while crossing my arms.
Nagpamewang naman siya. Aba talaga tong babaeng to.
"Wag ka nga mambentang. Kung nabangga kita, sorry. Okay? Wala ko sa mood makipag-usap sa di ko kilala."
"Ah ganun ah?" lumapit ako sakanya at hinila ko siya hawak ang kamay niya. Nakakainis na to eh. Ilang minutes na lang aalis na kami pero wala pa sakin yung ticket na nasa wallet ko kasama na ng lahat ng credit cards, cash, at atm ko. Pati na rin mga ID's ko.
"Ano ba! Bitawan mo nga ko! Nasasaktan ako! Sisigaw ako ng kidnap dito!" Aaah! Ang sakit sa tenga ng boses niya. Binitawan ko siya ng higitin niya yung kamay niya.

BINABASA MO ANG
When I Love You (My own happy ending)
Ficção Adolescente"We love life not because we are used to living, but because we are used to loving." A story about how beautiful life is with love. Kailan ba natin malalaman kung happily ever after na? Kailan ba natin malalamang totoo ang forever and ever? Do they...