Lj's POV
After ng araw na yun, parang nag-iba na yung atmosphere ko. Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan. Wala namang nagbago eh. Lagi parin kaming magkakasamang magkakaibigan during breaks, maliban na lang din sa sweetness ng dalawa. Sino pa ba? Edi si best friend ko at si Pao. Ayaw pa kasi sagutin nitong best friend ko si Pao eh. Aba, hard to get? Haha. Joke. I'm still doing my part-time job sa Resto Bar. Busy busy parin sa studies. Ano nga ba meron? Ah alam ko na. Si Bryan. Madalas namin siyang makasama. Madalas din siyang sumama sa Resto Bar. I guess talagang medyo close silang tatlo kaya lagi siyang nandyan. Kapag nakikita ko siya parang ang saya ko? Hindi nawawala yung ngiti ko. Kahit hindi naman siya palangiti talaga. May sayad na ata utak ko ah? O_o
"BES!" Sigaw ni Celine sakin. Palabas na pala kami ng campus. Lutang na naman ako.
"H-ha? A-ano yun?" Parang nagising naman ako sa reality.
"Sabi ko kung okay lang na si Bryan na lang maghatid sayo. Kasi aalis kami ni Paolo. Ano ba nangyayare sayo. Lately parang lagi kang wala sa katinuan. Yung totoo? Something's bothering you?" Tila nag-aalalang tanong ni Celine.
"Ha? Wala ah. Ano ka ba! Okay lang ako. Siguro naninibago lang ulit ako dito. Alam niyo na, time difference. Hehe. Sorry. Sige, kaya ko naman umuwe mag-isa eh." Ngumiti na lang ako sakanila. Tiningnan ko si Bryan, walang reaction. Tumigil na kami ng makalabas na kami ng university.
"Pano, dito na kami. Pare, ikaw muna bahala kay Lj. Ingat kayo." tapos tinanguan niya si Bryan.
"Sige bes. B-bye. Bukas na lang. Ingat ka." At nagbeso sakin si Celine. Tuluyan na silang umalis. Dalawa na lang kami. Ilang minutes ng katahimikan ng magsalit ako.
"Kahit wag mo na ko ihatid. Kaya ko naman umuwe mag-isa eh." Tumingin ako sakanya at nginitian ko siya.
"I insist. Isa pa binilin ka nila sakin. Let's go?" walang emosyon sa boses niya.
"Ugh, sige."
Nang nakapasok na kami sa sasakyan niya tahimik lang kami pareho. Nagulat ako ng humarap siya sakin at unti-unting lumalapit sakin. Napasandal ako sa upuan. Inanga niya yung kamay niya para hilahin yung seatbelt. Sobrang lapit niya sakin.
*dub. dub. dub* Tsk. Ito na naman yung dibdib ko. Baka marinig niya to sa sobrang lakas. -__-
Napatungo lang ako at napahawak sa seatbelt. Nilihis ko yung ulo ko sa may bintana. Ang awkward!
"Would you mind if we hang around for a while?" Tanong niya. Napatingin ako sakanya, nakatingin parin siya sa harap at hawak niya ang manibela.
"H-ha? A-ah. Sige ayos lang." Sabi ko at binalik ko na yung tingin ko sa bintana. Nagstart na rin yung sasakyan.
Kung san kami pupunta, yun ang di ko alam. Mga ilang minutes na byahe lang namin napansin ko na papunta kami sa M.O.A. Ano naman gagawin namin dito?
"Gusto ko lang mag-unwind. Back in States, kapag gusto ko magrelax I always go to the beach. Since wala pa kong masyadong alam dito, okay lang ba sayo dito?" Tanong niya sakin. This time nakatingin na siya sakin. Parang ang lungkot niya. Kitang-kita sa mga mata niya.
"Okay lang. Isa pa, namiss ko din makakita ng dagat. Dun din kasi mahilig kami mamasyal sa tabing dagat." Nginitian ko siya at lumabas na kami ng kotse.
From parking, pumasok kami sa loob ng mall. Kahit kailan talaga ang daming tao dito. Tumitingin tingin lang kami dito. At pansin na pansin na pinagtitinginan si Bryan ng mga tao. Nako. Sa pogi ba naman nito talagang pagtitinginan siya. Yung ibang babae sinusundan pa ng tingin. Yung iba nakangiti. Nang tingnan ko si Bryan, animoy wala siyang paki sa mga tao. Nakapamulsa lang siya. Tumuloy na kami sa labas at bumaba na papuntang Seaside. May iilan ilan ding mga tao. Yung iba mga magbabarkada nagkukulitan. May mga couples din. Yung iba family. Ang ku-cute ng mga bata patakbo tako.

BINABASA MO ANG
When I Love You (My own happy ending)
Ficção Adolescente"We love life not because we are used to living, but because we are used to loving." A story about how beautiful life is with love. Kailan ba natin malalaman kung happily ever after na? Kailan ba natin malalamang totoo ang forever and ever? Do they...