Chapter 3.1: Stephen, Jaynne

53 0 0
                                        

(L.A.X July 5, 2014. 10:45AM)

Stephen's POV

*Stephen Westley photo earlier waiting inside their car*

Andito na kami ngayon sa loob ng Airport hinihintay yung flight ni Kuya. Kahit hindi kami ganun nag-iimikan, sumama parin ako sa paghatid sakanya.

Nilagay ko yung headphone ko sa ulo ko para makinig ng music. Couple of minutes na lang, aalis na si kuya. Nang nilibot ko ang paningin ko, mukhang marami rin tao ngayon. Dad is talking to someone on his phone. May kasama kaming isang PSG ni dad to carry kuya's luggage. Nakatayo lang ng deretso yung psg. Si kuya, walang imik. His eyes were cold. Pokerface lang din siya. Hindi ko tuloy makita sa mga mata niya kung ano ang nararamdaman niya. Alam kong wala pa siya sa sarili niya.

Pareho man kaming nasaktan, I know it hurts him more 1000x than mine. I wish sa pag-alis niya, iwanan niya dito sa States ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Sana nga he leaves for good. I know hindi ganun kadali makalimutan si Sam pero alam ko na makakaya niya. I wish him happiness and may he finds someone who will love him more than Sam did. Hindi man agad-agad, but eventually.

 *This is the final boarding call for passengers booked on Flight 372A bound in Los Angeles for stops in Japan. Please proceed to gate 3 immediately...*

--

 LJ's POV

(L.A.X. July 5,2013. 10:15AM)

Woo! Andito na kami sa L.A for 3248621 years. Haha. Dejoke. Sayang, yung stop over namin di ako nakababa ng airplane, ang sarap ng tulog ko eh :( Sayaaang!

Pagbaba namin ng eroplano, papasok na kami sa lobby patungo sa min building. Woah! Ang daming tao. Iba't ibang klase. May white, black, yung iba ata asian din. May iilan ilan din akong nakikitang mukhang mga pinoy. Inikot ko ang paningin ko sa buong building. Ibang-iba ang airport satin kumpara dito. Alam mo yun, kahit na madaming tao, ang class parin tingnan.

Pumila na kami isa-isa para kunin ang mga luggage namin. Grabe. Pasilip silip ako sa unahan. Pano ba naman, ang lalaki ng mga tao dito. Genes talaga nila ang pagiging matatangkad. Nang makuha na namin ang mga gamit namin, nasa main building na kami at papunta na ng escalator pababa dahil may bus na daw na naghihintay samin. Wow! Sosyal. Turista lang? Hehe.

Nawili ata ako sa mga nakikita ko kaya pagtingin ko, wala na sila. Lagot! Palinga-linga ako. Hala. Ayun, nasa baba na sila! Nagmadali na ko na halos tumakbo na ko. Kung di lang mabigat tong mga dala ko eh. Waaaiiit!

"Camille! Sha sha! Ms. Caroline!" Kahit sumisigaw na ko walang pakialam ang mga tao. Ganun talaga siguro dito. Mind your monkey business. Haha. Joke lang. Ayun takbo!

*Booogsh!*

"Aaaaw!" Ang sakit ah! Sobrang laki naman ata ng nabangga ko, nakasalampak na ko dito sa sahig. Hinawakan ko ang balakang ko. Ang sakit. Ang sakit din sa pwet ah!

Pagtingin ko sa harap wala namang tao kaya lumingon ako. Paglingon ko nakita ko ang isang lalaki. Hmm... Matangkad, with beenie, plain black shirt na mejo fitted, and maroon fitted jeans, at sapatos. At tanging leather silver jacket niya lang ang hawak niya. Wala talaga sigurong manners ang mga ibang tao dito kasi di man lang lumingon. Tsk.

Pagbalik ko ng ulo ko nagulat ako dahil may kamay na sa harapan ko. Pag-angat ko ng tingin ko, nakakita ata ako ng artista! Haha. Joke. Este lalaki pala. Ang pogi niya in fairness. Presko nga lang at ang yabang ng dating. May headphone na nakalagay sa leeg niya, light sky blue leather jacket, black skinny pants, at sapatos na black.

"Thank you." Inabot ko yung kamay niya at tumayo na. Inayos ko din sarili ko.

"Sorry for that. I'll go ahead." He smiled and he's gone.

Natulala ata ako sa nakita ko. pagtingin ko sa likod wala na siya. Waah! Oo nga pala. Mahuhuli na ko! Kahit ang bigat ng dala ko tumakbo ako patungong escalator at humabol na. Nako. Buti na lang umabot ako! Hehe.

--

Stephen's POV

 *This is the final boarding call for passengers booked on Flight 372A bound in Los Angeles for stops in Japan. Please proceed to gate 3 immediately...*

It's time for Kuya's flight na. We headed up to the escalator na para ihatid si kuya. Dala ng PSG ang mga luggage ni kuya. Si Dad naman nauna na rin. Medyo nasa hulihan ako. Hindi rin naman kasi kami nag-uusap. Si Kuya wala paring pagbabago. Pokerface parin. Emotionless. Tanging dalawa niya lang ay ang leather jacket niya.

Nang makarating kami sa taas, pansin na pansing wala sa ulirat si Kuya. Kung sino sino na ang umiwas para lang hindi siya mabangga. Napatigil ako ng makita kong tuluyan niya nang nabangga yung babae. Mukhang nagmamadali din to.

Mukhang masakit ang bagsak niya dahil napahawak ata siya sa likod niya or wherever it is. Binaba ko yung headphone ko at tiningnan siya. Akala ko sisigawan niya si kuya pero hindi naman pala, kaya nilapitan ko siya. I offer my hand to help her stand.

When she glanced at me, I was star strucked. She's simply stunning. Kahit simple lang siya, pero kakaiba yung dating. Her eyes are sparkling. Ang tangos din ng nose niya. Her lips, pink as cherry. So kissable! And napansin kong hindi naman siya nakamake-up but it's like she had a blush-on because of her rosy cheeks.

"Thank you." She grabbed my hand and smile at me. The sweetest smile. Nakakagaan ng loob.

"Sorry for that. I'll go ahead." Nagsmile din ako and then leave her. Humabol ako kila Dad para maabutan at makapagpaalam naman kay kuya.

--

 LJ's POV

Nasa bus na kami ngayon at kanina pa ko nalulula sa nakikita ko. Matataas na building. American people. Naglalakihang billboards. At mga nakaka-akit na beach views. Ramdam ko ang sikat ng araw pero kakaiba eto kaysa sa Pinas. Ramdam kong ibang-iba ang ambiance dito. Dahil July ngayon, summer season dito sa California. Pano ko nalaman? Syempre prepared ako. Haha! Nag-research ako ng konting facts about dito. Summer months nila ay rom June to August.

After couple of hours ng pagsa-sight seeing namin at kumaen ng lunch sa isang restaurant, we headed to the apartment daw na tutuluyan namin. Labas palang ng building, hindi lang siya basta basta apartment. Para na rin siyang Hotel. Sabi samin ni Ms. Caroline, 11740 Wilshire Blvd, Barrington daw ang address namin. 45 mins ride lang papuntang George Town University. No vacancies na daw kasi sa university dorms dahil na rin sa dami ng students.

Paakyat na kami ngayon sa 3rd floor. Six-storey building ito each floor may limang rooms. Dito sa 3rd floor lahat ay good for 2 persons kaya dito kami nakachecked-in. I mean dito kami magsstay. Sakto naman kaming 10 kaya tig-dadalawa kami. Fortunately even naman din ang bumber ng boys at girls. 4 boys and 6 girls.

After pairing up ng roommate, ang swerte ko dahil si Camille ang roommate ko. pinili namin sa may dulo para dalawang anggulo yung sight namin sa bintana. Hehe. Bright! Pumasok na kami sa kanya-kanya naming room. 

Pagpasok palang namin sa loob, hindi lang ako ang napanganga kundi si Camille din. Spell C-L-A-S-S-Y! Parang isang condo unit. O mas maganda pa nga to. Ang lawak ng living room, fully furnished. Kumpleto sa appliances. Mini dining room at kitchen. May napansin kaming lobby sa bandang kanan kaya tiningnan namin kung ano. Dito pala ang mga kuarto. Dalawa din. Halos magkatapat. Pinili ni Camille yung right room so auomatic sakin yung sa left. Pagpasok ko, yung kama pwedeng pangdalawahan. Ang sosyal din ng room. May side table with lampshade sa gilid ng kama. May study table sa harap/paanan ng kama with mini shelf at lampshade din. May closet din at sa gilid nito ay malaking mirror. Body mirror. May sarili ring cr.

Nakakarelax ang place. Binagsak ko yung katawan ko sa kama. Sobrang lambot. Parang umatake ang pagod sakin. Masyado ata ako nag-enjoy kaya ngayon ko lang naramdaman ang bigat ng katawan ko. May jet lag pa din ata ako. Sa sobrang comfy ng bed, di ko namalayan nakatulog na pala ako.

--

When I Love You (My own happy ending)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon