Prince Zyrus POV
Ako si Zyrus, ang nagiisang prinsipe ng Oceana! Labing anim na libong taon lang ako ,,
Dito sa Oceana,ang Ate ko , na si Queen Bella ang syang namumuno,ang totoo, isa palang syang prinsesa, pero dahil mahina na ang totoong Queen na si Reyna Graziela, si ate Bella na ang syang laging namumuno sa lahat ng pagpapasya at labanan,dito sa Oceana,walang ibang lalaki, kundi ako lang,puro babae ang nakatira dito,kami ay mga nilalang na kayang tumagal sa ilalim ng tubig, dahil nagagawa naming huminga dun , Hindi tulad ng ibang nilalang,Ang Oceana ,ay matatagpuan sa kailaliman ng karagatan,ng Arezona,
Wala kaming alam sa kung anung meron sa ibabaw ng Arezona, lalo na ako, mahigit ilang libong taon nadaw kasing naninirahan ang lahi namin dito sa ilalim,ang sabi umiiwas kami sa mga nilalang sa itaas, dahil noon daw ay inubos ng mga nilalang dun , ang aming mga kuyA at mga ama, kaya ako nalang daw ang natirang lalaki,yun ang kwento kwento, pero hindi ko alam kung anung totoo,labing anim na libong (16 years old in human world) taon palang kasi ako,May kalaban kaming kaharian, ang Atlantis,na pinamumunuan ng halimaw na si Atlas,
Taon taon silang kumukuha ng mga kababaihan dito sa lugar namin, upang gawin nilang asawa , mga alipin at Sex Slaves, kaya kahit isang prinsesa ang ate Bella ko, pinamumunuan nya padin ang mga labanan!
Lumalaban kami sa mga Atlantisian, para ipagtanggol ang aming mga kalahi,pero.. Madalas pading meron at meron padin silang natatangay, anim na buwan palang ang nakakalipas ng makuha nila si prinsesa Avah,ang pangalawa saming magkakapatid,at wala kaming nagawa,Malakas ang mga Taga Atlantis,may kapangyarihan sila,pero kami wala,
mano manong labanan lang ang kaya namin, kaya pag ginamitan nila kami ng kapangyarihan,tiklop na kami,tapos sabi ko nga, puro babae pa ang mgA nasa Oceana !
Kaya . talagang dehado kami.Wala kaming kalaban laban,Hanggang sa magkatotoo ang Propisiya, na may isang nilalang na darating daw para iligtas kami laban sa mga kalaban, ihahatid daw sya samin ng liwanag!
At yun nga , isang nilalang ang hinatid samin ng napakatinding liwanag!
Marahan syang ibinaba ng walang malay,,sa sahig ng mismong bulwagan ng kaharian,ng isang sobrang liwanag na ilaw nayun, isang buwan nadin ang nakalipas, pero Hindi pa sya nagigising!Ang tanung, sino kaya sya? At San kaya talaga sya galing?
Isang Gabi,
Naguusap kami ni ate Bella, sa harap ng pagkainan,ng biglang pumasok sa eksena ang itinalaga naming tagapangalaga ng Dayo,
..Gising napo ang Dayo! Nagmamadali nitong sambit!
Kaya napalikwas ako ng tayo!
Labis na kaligayahan ang naramdaman ko,
Ayun kasi Kay Reyna Graziela, ang Dayo, ay isang lalaki din ! Katulad ko!
Kaya excited kong hinila si Ate Bella!!Pero..
Wala pa kami sa kwarto ng Dayo, ng pigilan ako ni Ate Bella,' Hindi mo ba naisip na isa syang Taga ibabaw?? Kalahi nya ang pumatay sa ama natin, at sa lahat ng mga kalalakihan ng Oceana! Wag kang masyadong magtiwala sa kanya Zyrus! Galit nyang sabi
Pero Hindi mo din ba naisip ang Propisiya? Ganun na ganun dumating satin ang Dayo! Nakangisi Kong sambit, bago ako nagtuloy tuloy, na sa kwarto ng Dayo!
Iniwan ko na si Ate Bella, Hindi ko na lang pinansin ang galit nya , masungit at brusko lang kasi sya, pero mapagmahal at malambot naman ang puso nya!Inabutan Kong nag pipilit tumayo ang dayo!
' Sandali ! Baka Hindi mo pa kaya! Pigil ko,
At hinawakan ko sya agad para alalayan,
Maya Maya ay bigla kong natitigan ang mukha nya, parang tumigil tuloy ang oras , !
Gwapo na sya ng tulog pa sya, pero ngayong gising na sya ay,Napaka perpektong nilalang! Parang iginuhit ng perpekto ang kanyang mukha! Mas gwapo pa sya kesa sakin!
' Sino ka? Nasan ako? Tipid nyang tanung,
