Belle POV.
Akala ko ay matatakot sakin ang mga kasama ko,,
Pero mabilis nila akong nilapitan, at tinanung,
' Belle, anung nangyari?? Kanya kanya nilang itanung ..
' Hindi ko alam, nalilito Kong sagot ..
' Belle, kelangan nating makausap ang mga magulang mo,tungkol dito, huwag ka matakot, dahil kung Hindi nagbago ang anyo mo, mapapatay na sana si zyrus ni Astaroth, at maging tayo din, ay kakayanin nyang patayin!
Pero sa ngayon, mas kelangang magamot si Zyrus at Madoxx , dalhin natin sila Kay Unicorn.. Sabi ni Reyna Cassiopeia.Kaya tumango nalang ako.
Oo nga pala, nakakapang gamot padin kahit papanu si Unicorn, kahit hinigop na ng Black Pearl ang kapangyarihan nya ..
Nung lihim na humiling si reyna Cassiopeia sa Black pearl na iligtas kaming lahat sa kamay ni Asmodeous, Hindi masyadong nahigop ang kapangyarihan ni Unicorn, dahil magkakatabi sila nila Kizoya, na gumamit noon ng kapangyarihan nya din, na kayang magpahina sa epekto ng ibat ibang kapangyarihan ng kahit anung nilalang,pinlano nayun ni Kizoya at Reyna Cassiopeia nung una palang , dahil napakahalaga ng kakayanan ni Unicorn para samin,
Makalipas lamang ang ilang sandali, ay ginagamot na ni Unicorn si Lux at Haring Maddox..
Hindi nga pala sya si Lux. Sya daw si Zyrus, yun ang sabi nya., oo nalang ,kahit ramdam ko naman talagang sya ang asawa Kong si Lux..Dadalawin ko Sana si Lux pagkatapos ko makapag bihis , pero nandun na tabi nya,
Si Bella..
Kung si Zyrus man si Lux, at meron na syang ibang Mahal, dapat paba talagang ipaglaban ko pa ang tungkol samin??? Naglalaro sa isip ko ang katanungang yun ..Nagpasya nalang akong umalis at puntahan si mama, nakita Kong nandun ang reyna Cassiopeia, papasok sana ako. Pero natigilan ako sa sinabi ni papa,
' Hindi namin anak si Belle. Sya ay, ibinigay lamang samin ng isang estranghero, at dahil Hindi kami pwedeng mag anak, inampon at itinuring nalang namin sya,bilang tunay naming anak.. Sabi ni papa ..
Kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko.' anung hitsura ,nung estranghero ?? Usisa ng reyna .
.isa syang Babae , nakaitim na Cape, at may mapulang mga mata.. Meron din syang mahabang buhok at tenga, pero napakaganda nya,sagot ni papa..
' Ang sabi nya, pag dating daw ni Belle sa wastong edad, ay lalabas ang tunay nyang katauhan at kapangyarihan, kaya naisip Kong kakaiba ngang mundo ang pwedeng pinanggalingan ng aming anak..
Pero hindi nun nahadlangan, ang pagmamahal namin para sa kanya. Sabi pa ni ama..Marahil ay tama ako, Hindi sya pinili ng Black pearl na maging tagapangalaga ng ganun ganun lang, meron talagang kakaiba Kay Belle, at kung tama ang nasa isip ko, kalahi sya ng aking ina...
Sagot ni reyna Cassiopeia..Pero bakit kaya sya ipinamigay?? Sabi naman ni mama
Hindi sya ipinamigay,
nung mga panahong inilagak ni ina at ama ang kapangyarihan nila sa puti at itim na perlas,ay lalong nagkagalit ang mga taong lobo at lahing pinanggalingan ni Belle, inubos ng mga malalakas na lobo ang mga kalahi ni Belle, kaya marahil.. Itinakas sya ng kanyang ina, at ibinigay sa inyo.. Sabi ni reyna Cassiopeia.Sya na marahil ang nagiisang natira sa lahi nila . sabi ni Reyna Cassiopeia..
' kaya pumasok nako..
' Kung ganun Mahal na reyna, anung lahi ako nanggaling??? Naluluha Kong tanung..
' Kung tama ang suhestyon ko, ikaw ay isang bampira Belle! Sagot nya sakin...
At Hindi ka isang ordinaryong bampira, dahil kung nagawa kang itakas ng iyong ina, sa kabila ng sobrang lakas na mga taong Lobo noon, siguradong isa kang dugong bughaw na bampira.. Marahil ay pinrotektahan kayo ng husto ng inyong mga kalahi para makatakas.
Kung Hindi ako nagkakamali, anak ka ng kanilang reyna .. Mahaba nyang paliwanag ..
