Belle POV.
' matagal na natahimik ang Arezona sa biglaang pagkawala ni Asmodeous . pero alam naming hindi pa tapos ang lahat .. Hindi pa... Dahil Hindi pa namin sya naibabalik sa hinaharap at Hindi pa namin nababawi ang katawan ni Yonzi. .
Papunta kami ngayon ni Jax , sa mundo ng mga tao, para kumuha ng holy water , panglaban sa demon na si Asmodeous , yung ang tagal2 naming nagiisip kung paano sya matalo , hindi din naman pala namin magagawa kung walang tulong galing sa itaas ,
' Lord kayo na po ang bahala samin .. Bulong ko sa aking sarili ..Tara na ? Yaya ni Jax sakin, Hindi muna ako sumunod , dahil pinagmamasdan ko si Lux habang karga nya ang aming anak..
' larawan kayo ng masayang pamilya Belle , sabi sakin ni Jax , kaya napangiti ako.. Masaya din ako dahil lalaki naman palang malakas at may mabuting kalooban ang anak naming si Zeyus . napaka gwapo pa..
' nasan nga pala ang iba ? Tanung ko sa kanya
Si Yvo, unicorn , onhyx , Loki at sniper ay kasamang nagbalik si Queen Cassiopeia at king madoxx sa dark kingdom.. Sapagkat kayo naman ni Lux ay pinamumunuan na ang Arezona , si Ava , Bella at Zyrus naman ay pauwi na sa Oceana, ihahatid sila nila Zeek , Zander , at Blaze , si Queen Orca at ang iba pang taong ahas , taong pusa at taong bato , ay nagbalik na sa kanilang mga kaharian ,
' magpapadala nalang tayo ng signal sakaling maramdaman natin si Asmodeous .. Sagot ni Jax.Ang mabuti pay , pumunta na tayo sa mundo ng mga tao , Hindi tayo pwedeng magtagal dahil magbabalik sa pagiging ordinaryong tao si Lux ano mang sandali , sagot ko... Kaya umalis na kami
Narating namin ang simbahan ng Quiapo . Napaka daming tao . Dala ko ang bote na paglalagyan namin ng Holy water , na syang isasaboy sa demon na si Asmodeous ,para lumabas ang kaluluwa nya sa katawan ni Yonzi, bago namin tuluyang tapusin ang kaluluwa nya . at maibalik na si Yonzi sa katawan Neto ,yun ay kung nasa Arezona padin ang kaluluwa ng aming kaibigan...
Ang mahalagay matapos ang kasamaan ni Asmodeous sa ngayon.
' tinabunan ako ni Jax ng tumapat kami sa pigura ng isang anghel na pinaglalagyan ng holy water .
' panginoon... Pahingi lang po ng konti .. Bulong ko , Sabay salok sa lalagyan , pero sa diko inaasahang pangyayari , napaso ako !!!!!!
Sa kauna unahang pagkakataon ay nasaktan ako ng banal na tubig nayun !!
Bigla akong bumagsak ! Kaya nagmamadaling sinambot ako ni Jax ! Umuusok at nagdudugo ang kamay ko , at napakasakit nun ! Pero pinigilan kung umiyak para walang makahalata !' marahil dahil lumalabas na ang pagiging bampira mo , kaya Hindi kana din pwedeng humawak ng banal na tubig ! Bulong ni Jax ,at nagmamadali na akong inalalayan nya na palabas ng simbahan ,
Halos mamlambot ang buo Kong katawan... Hindi ko kasi yun inaasahan...
............................................... >
Bella POV
Dahan dahan akong lumapit Kay Lux ,habang karga nya ang kanyang anak... Masakit man , talagang panahon na para magpaalam sa nilalang na minahal ko ng husto , sya ay naging tao na .. Dahil kabilugan pala ng buwan! Napaka gwapo nya padin..
' kamahalan ... Mag papaalam naho ako para magbalik na sa Oceana... Maiksi Kong sabi .
' Hindi mo naba aantayin si Jax ? Tanong nya , na biglang nagpakaba sakin , sa diko malamang dahilan kung bakit ,
' ahm Hindi napo ! Mabilis Kong sagot .
' kung ganun ay mag iingat kayo , sabi nya sakin , sabay namang paglapit ni Zyrus at Avah , sila ay nagbigay galang din sa emperador ng buong Arezona na si Lux !! Nagkatitigan kami ni Lux , at ngumiti sya sakin...kaya nakontento nako , masaya nako ..para sa kanya... Ganun siguro talaga , pag Hindi para Sayo ang isang tao ,ay Hindi talaga mapapasayo , kahit anung laban mo...
