Chapter 65

248 15 1
                                    

Bella POV.

Unti unting nagbago ang hitsura ni Lux, matapos nyang tanggapin ang kahilingan ng portal , para makadaan lang sya dito, at makabalik sa ibabaw ng Arezona..

Nagkaron si Lux ng mga kaliskis sa buong katawan, kulay itim na kaliskis ang mga yun, at ang dati nyang gwapong mukha, ay natabunan din ng tila maskarang gawa din sa itim na kaliskis, umitim din ang dati nyang mala porselanang balat,

Parang.... 

Parang Hindi na sya , si Lux.. Napaatras tuloy ako.
Hindi ko alam , kung sa takot o anu naman, Pero....
Hindi ko naramdamang nandiri ako sa kanya..

" Mananatili kang pangit at mahina, hanggat Hindi ka bumabalik dito sa Oceana..  Sambit ng portal..

' Hindi ako natatakot pumanget at maging mahina,isa lang ang kinakatakot ko, ang Hindi mabigyang hustisya ang mga mahal Kong pinatay ni Asmodeous!! Nakakuyom ang kamaong sagot ni Lux ..

Kaya napangiti ako.

Sya padin si Lux. Ang nilalang na Mahal na Mahal ko!
Lumapit ako sa kanya.  

' Magsisimula naba tayong maglakbay? Mahal ? Biro ko Kay Lux

' Hindi kaba napapangitan sakin ? Nagtataka nyang tanung.
Kaya sinagot ko yun ng madiin pero maiksing halik lang sa kanyang labi ..

' Hinding Hindi. Nakangisi Kong Sagot
Kaya nagulat nalang ako ng yakapin nya nalang ako bigla..

' Pagkatapos nito ..  Babalik tayo dito ha? Paninigurado ko.. At tumango naman sya ...

Bago kami pumasok sa portal ay nagbilin si ama na , mag iingat kami dahil malakas daw ang bagong hari ng ibabaw ng Arezona,

Si Asmodeous. Ang nilalang na galing sa hinaharap!


...........................................

Belle Pov ..

Hindi padin tumitigil ang ulan , nung maramdaman Kong nailuwal ko na ang anak ko,
Kitang kita ko ang paglutang ng aking anak sa halos hanggang dibdib ko ng tubig ng balon, at lalo pa yung lumalalim..
Kaya..

Kahit nagdidilim na ang paningin ko,pinilit Kong abutin ang anak ko ...

Pero.......

Hindi ko sya maabot.. Dahil sobrang hinang hina nako,sa ilang araw ko ng itinagal sa loob ng lumang balon nato,

Nung maramdaman Kong hihimatayin nako,

Dun ko napansin ang isang lalaking nasa itaas ng balon... Ewan kung nagdediliryo lang ako,
Pero nakita ko syang lumutang pababa,papunta sakin..
Hindi ko na maaninag ang mukha nya,pero nakita Kong kinuha nya ang anak ko!

Bitiwan mo , ang anak ko !!! Pilit Kong isinigaw !
Pero tila Hindi nya lang ako nadinig !
Ibinalot nya ang sanggol ng isang itim na cape! At lumutang na ulit paalis !

Ang anak ko!!!! Hinang hina Kong sigaw!

Pero bago sya tuluyang maglaho sa paningin ko dala ang anak ko ay, may sinabi sya sakin!
Hindi pa kita pwedeng kunin , dahil malaki pa ang misyon mo dito sa Arezona!
' Anak....  Darating bukas ang nilalang na matagal mo ng inaantay, para iligtas ka...
Pero sa ngayon, hindi muna pwedeng madamay ang bata sa giyera nyo, Laban sa kalabang taga hinaharap .. Sambit nya..

' Zeus ! Isara mo ang balon at siguraduhin mong ang karapat dapat lang ang pwedeng magbukas ng iyong harang at makakita kay Belle. Utos nya sa isang nilalang pa, na biglang sumulpot sa itaas!

Nakita kong nagilaw ang tila tattoo ng lalaking tinawag nyang Zeus ! Wala naman akong nakitang ihinarang nya ,pero umalis na din sya agad !
Maya maya'y unti unting bumaba ang tubig ng balon at tuluyang natuyo ! At naginit ang loob nun, Kaya nawala ang panlalamig ko !

THE ECLIPSE 2 ( COMPLETED )Where stories live. Discover now