Chapter 73

249 14 0
                                        

Jax POV

Hindi namin inaasahang lahat ang pagsugod ni Astaroth,at ang pagkakapatay nya Kay Samantha na asawa ni Zeek ay talagang nakaka bigla din.. Wala mang may kagustuhang madamay sila, ay nangyari padin...

Napatay man ni Lux si Astaroth ay nagluluksa padin ang aming mga kasamahan, dahil nagluluksa si Zeek, inilibing namin si Sam, pero alam naman naming Hindi yun dun matatapos ng ganun lang..
Siguradong maghihiganti si Zeek. Kaya sya ang binantayan namin ng husto.

Wala syang kapangyarihan, kaya Nanganganib na maghiganti sya...

' Jax. Bantayan nyong mabuti si Zeek.. Sa ngayon ay biglang  nawala ang ningning at kapangyarihan ng puting perlas , simula nung makasagupa nito ang itim na perlas ay nawalan na to ng bisa ! Sambit ng reyna...

Gulat na gulat kami sa sinabi ng reyna ...

' Si Lux po ba ay nawalan din ng kapangyarihan ?? Usisa ni Zander.

Hindi , nanatili syang si Lux , na MA kapangyarihan, kaya wala tayong problema dun, inalis na ng tuluyan, ng puting perlas ang sumpa sa kanya ng Portal ng Oceana.. Sagot ng Reyna..

Ang portal ng Oceana ay may kapangyarihang lagyan ng sumpa ang mga dumadaan dito, bilang pagpoprotekta nito sa kanilang kaharian, paliwanag ng Reyna...

' anu naman pong nangyayari pag sinabi nila Ang sumpa sa iba ?? Tanung naman ni Belle. Matagal kasing tumanggi si Lux na sya nga si Lux , kaya siguro tinatanung yun ni Belle.

' Maglalaho ang sinomang pagsabihan . Sagot ni Bella na kararating lang .. Kaya natahimik kaming lahat.

' Kung matagal ng umamin si Lux , baka naglaho kana... Dugtong nya pa, habang titig na titig Kay Belle.
Umisnob naman si Belle , pero mukhang bahagyang nakonsensya, madalas nya kasing awayin nuon si Lux , dahil Hindi to umaamin, na sya nga si Lux..

' Nasan si Lux ?!!! Sabay nilang tanung .. Sabay na sabay pa talaga si Bella at Belle.!
Kaya nagkatinginan sila ulit, at sabay ding nailang sa isat isa..

' Ang haba naman ng buhok ni lux.. Biro ni Janver

Kaya sabay syang siniko ni Blaze at Zyrus na kapatid ni Bella. 
Sya pala ang tunay na Zyrus.

' Tama na ang away , magkakapatid tayo at magkakaibigan dito, sabi ko nalang, kaya natahimik na lahat.. 

Maya Maya ay napansin naming .. tila may naglalaban sa Loob ng kwarto!
Kaya nagmamadali kaming tumungo dun,
Inabutan naming naglalaban nga si Lux at Zeek!

' Inawat namin sila...

' Anu to? MagpPatayan ba kayo?? Sigaw ng Reyna...

' Lux ?ikaw ang Mas matanda ! Alam mong nagluluksa si Zeek? Bakit mo pa pinatulan! Sigaw ni Belle.

' Hindi kumibo si Lux  , tumitig lang sya Kay Belle, at umalis na. .
Naiwan lang kaming tahimik lahat.

' Zeek ?? Anu bang nangyari ??!tanung din ng Reyna..

' Sabi ko sa kanya , wag nyang hayaang mamatay Ang pamilya KO , pero nagpabaya sya ! Tapos ngayon ! Ni ayaw nya akong payagang umalis para ipaghiganti si Sam! Umiiyak na sagot ni Zeek ! Saka nanghihinang naupo nalang.

' kita mo na... Si Zeek ang may kasalanan kaya sila nag away, bat sya ang kinakampihan mo?! Baling ni Bella Kay Belle, kaya natahimik lang si Belle.

' Nag aalala lang sayo ang kuya Lux mo! Sagot ng Reyna.

Kaya Hindi na sumagot si Zeek.
Umiyak nalang sya..

' Zeek.. Buhay pa ang anak mo, kung magpapakamatay ka, paano na sya ? Sabi ni Belle.

THE ECLIPSE 2 ( COMPLETED )Where stories live. Discover now