Zyrus POV
Hindi ko alam kung anung , nangyayari, pagkatapos kasi kaming iligtas ni kuya Lux, at talunin nya ang halimaw na si Mariana.. Ay may biglang Mga nagsulputang, Mga lalaki, napakaraming katulad namin ,ni kuya Lux, at laking gulat ko nung nagmamadaling tumakbo papalapit at yumakap sa isang may edad na lalaking dumating si Ate Bella..
Amaaa !! Tuwang tuwa, habang umiiyak.. Nyang sambit,
Maya Maya... Kanya kanya na silang lahat na yumakap sa mga dumating !
Samantalang ako, ay dahan dahang umatras at nagtago agad ako sa likod ni Kuya Lux !!Kaya nung lumingon si Ate Bella sakin, ay napahawak nako sa damit ni Kuya Lux!
Ewan ko ba , si kuya Lux lang pinagkatiwalaan kong lalaki kahit unang kita ko palang sa kanya noon,pero sa mga dumating ngayon .. Ay kakaibang pagkailang ang nararamdaman ko..' Zyrus !! Sya ang ating Ama. Halika... Wag kang matakot, sambit ni Ate Bella, at nakangiting sumangayon naman si Reyna Graziela. . pero nahihiya padin akong lumapit..
' Wala akong nararamdamang kasamaan sa mga puso Nila.. Wag kang mag alala.. Biglang sabi ni Kuya Lux..kaya napanatag agad ang loob ko.
Malaki ang tiwala ko at bilib Kay kuya Lux , kaya dahan dahan akong lumapit Kay Ama... Na sa totoo lang,
Ay ngayon ko lang nakita..
Kaya nagulat ako nung hablutin ako ni Ama.. At yakapin ng sobrang higpit!' Napakalaki mo na.. Zyrus.. Umiiyak na sabi ni Ama.. At niyakap nya kami ng sabay ni Ate Bella, kaya napanatag nako at yumakap nadin saking Ama.
Maya Maya ay binitawan kami ni Ama , At tiningnan ng mabuti si Kuya Lux..
.
' Kayong lahat. Magbigay galang kayo sa Emperador ng Arezona.!! ! Nakangiti nyang sabi... Na nagpalaglag panga saming lahat!
' Pag sinabi kasing Emperador ng Arezona, ay tiyak na sya ang pinakamalakas at kinatatakutan ng lahat, !
Sya ang pinuno ng buong Arezona! Ganun ang mga nabasa ko sa mga sinaunang libro ng Oceana!
Pero bago italagang Emperador, dapat ay may Itatalaga ding EmperAtris, kung ganun ay....Kasal na si Kuya Lux !!???
.Napahanga ako ng lahat ay lumuhod at nagbigay galang Kay Kuya Lux !
Nagawa nyang paluhurin ang Mga lalaking bagong dating!
Ang aking Ama.... At iba pang kalalakihan!
At maging si Reyna Graziela! At ang buong Oceana!' Kay Ate Bella ako napatingin pagkatapos.!
Para kasing sya ang pinaka nabigla sa lahat !
Matalino si Ate Bella.. Kaya sigurado akong alam nyang kasal na si Kuya Lux, dahil yun ang batas na nakasaad sa Mga libro ni Ama...Kitang kita sa reaksyon nyang, nasaktan sya, sa nalaman nya!
Pero Hindi lang sya kumibo!' Lumapit si Ama Kay kuya Lux, at hinawakan nya to sa braso.
' Kung ganun, ang anak ni Maddox na aking kaibigan ang itinalagang Emperador!
Sambit ni Ama ..
Pero Maya Maya ay bigla nyang nabitawan si kuya Lux,' Mahabaging langit! Anung nangyari sa ibabaw .. ?!!
Gulat na gulat nyang sabi!' Kung ganun, ikaw si Haring Sakro! ? Ang kaibigan ni Ama, na nagagawang makita ang mga nakaraan, at hinaharap sa isang tingin at haplos lamang! Sambit ni kuya Lux !
' Oo aking kamahalan... Ako ang haring tumawag ng tulong noon sa iyong Ama... Dahil nakita Kong darating ang halimaw na si Mariana, sa kaharian ng Oceana,
At dumating naman sya agad, upang isara ang tarangkahan! Pero kelangan nyang lumisan agad nuon, dahil may labanan din nuon sa ibabaw ng Arezona, ang Mga itim at puting lobo, ay nagkakalaban pa noon, kaya Hindi nya alam, na nagawa kaming Bato ni Mariana, at nawalan nadin siguro sya ng Kakayahang makabalik dito,
Dahil bago ako maging bato, ay ginawa kong sagrado ang likod ng tarangkahan, para mawalan ng kapangyarihan si Mariana.. At Hindi na sya magtangkang buksan ang Tarangkahan at pasukin ang loob ng kaharian ng Oceana!
Sambit ni Ama.