Chapter 67

222 16 0
                                    

Bella Pov.

Hindi na kami sasama..

Yun ang biglang lumabas sa mga labi ko. Ayoko. Ayokong sumama sa mga kalahi ni Lux. Para ano?? para makuha sakin ni Belle si Lux ??! Hindi ako papayag.

' Alam ko hindi parehas para sayo. Pero sila lang ang pinakaligtas na pwede nating makatulong, sagot sakin ni Lux. Habang nakatitig sya sakin. Titig na tila naaawa sakin.

' Bakit naman ayaw ng magandang dilag nayan na sumama satin haring Madoxx ?? meron ba syang itinatago satin?? nakangising sambit nung isang lalaking kasama nila,

Bwisit. Masyado bakong halata ??

Ngumiti si Madoxx, habang nakatitig sakin,

Wala naman siguro Jax. Sagot nya sa lalaking yun. Pero yung muling pag ngiti ni Jax ang nag pakaba sakin.
Parang ,...............
Parang nagdududa syang may itinatago nga kami.
Pero dapat lang namang itago namin ang tunay na katauhan ni Lux Diba?? kaya walang mali sa ginagawa ko.

' Oo nga pala mahal na prinsesa ng Oceana, sya si Jax. Ang aming pantas. Ang utak ng lahat ng mga taong lobo. Nakangiting pakilala ni Madoxx , kaya mas lalo akong kinabahan. Napaka batang pantas kasi ni Jax. Pag sinabing pantas ay siguradong mautak, at sobrang talino. Kaya Bahagya Akong napalunok. Iba kasi ang titig ni Jax sakin, tingin na nagdududa.

Ate. Mga Kakampi sila Ni kuya Lux, kaya Siguradong Mababait sila. Sagot ni Zyrus.

' TUMIgil ka nga Zy . . . .
Napahinto ako sa pagsasalita nung marealize kong, si Lux nga pala ang pinakilala kong Zyrus,, anung ipapangalan ko kay Zyrus ngayon?? Dahan dahan akong napatingin kay Jax, na alam kong syang pinaka nagdududa sakin..

Ngumisi si Jax sakin, kaya biglang nag init ang pisngi ko.

Oo nga Zy!! tigilan mo yan, si Ate Bella lang ang pwedeng magpasya. ! Sambit ni Avah,buti sinakyan ni Avah.. kaya nakalusot ako.

' Oh, so Sya si Zy? At ang may hawak kay Belle ngayon, ay si , ZY , . . . . . . RUS?? Nakangiting sabi ni Jax saming magkakapatid .

Tama nayan, biglang sabi nung Zeek,

' Nasan ang anak ni Belle At Lux???? bigla nyang sabi , na halos dumurog ng pino sa puso ko..
Meron na nga silang anak. !!!

Ewan. Wala kaming nakita , sa balon kundi si Belle . Sagot ko

Hintayin natin si Belle, siguradong sya.. alam nya kung nasan ang bata.. sambit ng isa pang kasama nila Lux,,
Kaya Wala Kaming nagawa kundi ang sumama nalang sa kanila, si Lux kasi ang masusunod.. hindi ako. Dahil Sya talaga ang dahilan kung bakit kami nasa ibAbaw ng Arezona ngayon..

.......................................

Jax POV

Hindi ko man nadinig ang unang pinaguusapan ni Haring mAdoxx at ng mga dayo mula sa oCeana, alam ko..
Na may itinatago ang mga dayo, at kaya hindi yun isinisawalat ni Haring Madoxx , dahil siguradong, para yun sa ikabubuti ng lahat,

Pero anot ano pa man, alam ko,

Na ang pagdating nila, ay magiging malaking tulong sa aming pagbabalik para muling kalabanin si Asmodeous.

At Si ZYRUS. ALam ko, matagal ko na syang kakilala, kelangan ko lang ng kumpirmasyon,
Hindi ko alam kung nahalata din ng iba, pero ang paraan ng pag sasalita ni Zyrus, at maging ang kanyang mga mata, ay nahahawig talaga sa Alpha, na si Lux.
Kahit iba ang hitsura nya, sa tingin ko sya talaga si Lux, pero ano kayang dahilan ng pagkukubli nya ng sarili nyang katauhan..

THE ECLIPSE 2 ( COMPLETED )Where stories live. Discover now