Bella POV
Inaayusan na Ko ngayon ng Mga utusan ng palasyo para sa malaking pagdiriwang,
Ang pagbabalik ni Ama at ni Avah ng sabay, ay dapat talaga naming ipagdiwang !
Pero yung kapalpakan Kong pag amin ng biglaan Kay Lux kahapon ang nakakahiya sa lahat ! At Hindi ko yun dapat ipag diwang ! Tssss. Kainis!Kabadong kabado ako !
Anung gagawin ko mamaya ??! Panu ko syang haharapin??Biglang pumasok si Ama sa silid ko, kaya medyo narelax ang isip ko.
Suot nya na kasi ang korona ulit, bilang hari !
Nginitian ko sya ,
Napakagwapo mo ama !! Nakangisi Kong sambit , Kaya natawa sya ng husto!Pero may mas gwapo saking nag aantay sayo sa labas!
Sambit nya,
Kaya si Lux agad ang naisip ko!' Talaga ama ?? Papasukin mo sya ! Nakangiti Kong sambit !
' Eh anak... Sya ang konsorte mo, Kaya dapat sa labas lang sya mag antay ! Sagot ni ama
Kaya sumimangot ako.Oh wag ka ng sumimangot!
Bilisan mo nalang dyan ! Pang aasar nya pa.
Kaya mas lalong kumabog na ang puso ko !
Habang unti unting natatapos na ang pag aayos sakin!
At nung matapos na nga sila,sa pag aayos sakin ay lalo ng kumabog ang dibdib ko!' Tiningnan ko muna ang pinto ng ilang Segundo!
At lihim na humiling ang puso ko...' Sana... Magandahan sya sakin .. Bulong ko
Bago ako kabadong humakbang palabas ng pinto..
Pag bukas nun, ay nilawakan ko talaga ang ngiti ko..Ngunit ............
Si Zyrus pala ang nag aantay sakin sa labas !
' Ikaw ?!!! Tsss. ! Nakaramdam ako ng pagkadismaya!
' kaya tinawanan ako ng kapatid ko !
' oh bakit ?? Sino bang inaasahan mo ?!! Pang aasar nya pa. ! Kaya mas lalo akong nainis !
' TSS. ! Wala nuh! Diko naman kelangan ng kapartner,kayang kaya ko naman maglakad mag isa ! Taas noo Kong sagot!
Ah ganun ba ?? Sayang .. Kanina kapa kasi sya inaantay !! Bigla nyang Sabi, kaya natameme ako !
Nakatingin kasi si Zyrus sa likuran ko!
Bigla tuloy ang bugso ng kaba na naman sa dibdib ko!
Saktong sakto namang inaawit ng Reyna ang ' Mahal kita ! Sa bulwagan ! At dinig na dinig yun sa pwesto namin!Bigla tuloy nagbalik sa isip ko , yung pang amin ko kagabi!
' Mahal kita Lux !! Pag amin ko kagabi! Dahil akala ko mamamatay nako! Hindi pala !
' Napalunok ako sa hiya ! Bago ako dahan dahang humarap sa kung sino mang tinitingnan ni Zyrus sa likod ko !
At ng makita ko na sya..........
Bahagyang huminto, ang oras ......
.' Muntik nakong himatayin !!!
Sobrang gwapo nya !! Lalo na nung mag pormal ang suot nya.! At...
Nakatingin sya sakin !!!!!!!!!!!!!!' Ah. Ate . ate ?? Binasag ng boses ni Zyrus ang pagkakatulala ko Kay Lux !
Kaya lumingon ako ulit , Kay Zyrus,Ha ?? Anu yun ?? Paglilinaw ko
' Sabi ko, pupuntahan ko na kako si Ate Avah ! Ako kasi ang partner nya ngayong gabi. Sabi ni Zyrus, at nagmamadali ng umalis !
' Sa sobrang kaba ko, ay pipigilan ko sana si Zyrus ! Pero nawalan nako ng timbang!!!
Sa sobrang bilis ng pang yayari , narealize ko nalang na yakap nako ni Lux !
Nasambot nya ako! Yakap nya ako sa beywang, at isang pulgada nalang ang layo ng mukha namin sa isat isa !.
At....
Nadinig ko na lalo ang malakas na pagkabog ng dibdib ko, lalo na nung maramdaman ko sa mukha ko ang mainit at mabangong hininga ni Lux !!!