Chapter 75

255 13 0
                                        

Bella POV

' Matagal kaming nag antay ni Belle sa loob ng kwarto Kay Lux , Hindi kami nagkikibuan, Hindi ako galit Kay Belle, sadyang nagseselos lang ako...

Lalo pa sa bagay na NA patunayan ko kanina lang.
OK na sila ni Lux !
At mukhang mag kasama sila mag damag.
Parang kinukurot ANG puso ko sa katotohanang yun..
Kaya Hindi ko tinitingnan man lang si Belle.

Maya Maya ay bigla syang tila nagulat!
Kaya nilingon ko sya .

' Bakit suot KO ang white Pearl ?? MRahil kaya ako lang ang nakaka kita sa buhok na sumugod kanina,, dahil suot ko to. Sambit nya

Si Lux ang may ari ng puting perlas., at alam naming lahat, na pagprotekta ang kapangyarihan nito, at marahil kaya isinuot nya yun Kay Belle, ay para sa proteksyon nito..
Mahal na mahal nya nga talaga si Belle..
Aray.

Sabay kaming nagulat ni Belle nung bumalik na si Lux .

' Wala akong kahit na anong bakas na nakita sa labas.! Pero wala ng lahat ang mga kasama natin,sambit nya...

' Belle... Ipahiram mo na muna ang puting perlas Kay Bella, pakiramdam ko malakas ANG mga dumukot sa mga kasama natin , palagay ko MAs kelangan ni Bella ngayon ANG proteksyon! Sambit nya
Kaya napangiti ako.

Halata namang bahagyang nagdamdam si Belle dahil dun,

' Belle. May tiwala akong kaya mo, kahit wala ANG puting perlas.. Matipid na paliwanag ni Lux. Na nagpa ngiti din Kay Belle. Ts. Simpleng paliwanag lang ni Lux , ay napapanatag na si Belle. ! Edi sila na ! Sila na ang masaya ! At ako? Nga nga!

' Ibig sabihin ba ay mas may tiwala si Lux, sa lakas ni Belle, kesa sa lakas ko??

Bigla akong tumayo! At umalis! Tumakbo ako! Hindi man lang nila nararamdamang nasasaktan ako! Kainis !

Bella ??! Sabay nilang tawag sakin !!pero Hindi ko sila pinakinggan !!
Tumakbo padin Ako paalis.
Papuntang masukal na gubat !!

' Hindi ko nMalayan kung San na ako napunta , basta ang alam ko lang ,huminto ako nung mapagod ako,saka ako nag iiyak, sobrang sakit kasi ng puso ko sa nakikita kong sobrang pagmamahal sa isat isa nila Lux at Belle , parang ako lang ang kontrabida !!

Napahinto ako sa pag iyak nung may nadinig akong kaluskos !!
Hinanap ko, pero wala !!
Kaya laking gulat ko, nung may isang nilalang na pumasan sakin !!

Ahhhhhh !!! Tili ko !
Bitiwan moko ! Sino ka ???sigaw ko.
Pero bahagyang tawa lang ang nadinig ko !!
Hanggang sa may isa pang nilalang na tila kumuryente sakin, kaya hinimatay ako.

Sa isang lumang kubo Ako nagising !!!
Walang kahit sino sa paligid !
Kaya pinilit Kong tumayo! 
Hanggang sa may biglang pumasok!
Isang gwapong nilalang , na parang si Lux kung tumingin!pero Hindi sya si Lux !

Sino sya ??
Mahaba ang buhok NYa.. Hindi katulad ng Kay Lux. Mahabang tuwid na tuwid ! At kulay puting puti! Pero makinang yun! May marka sya ng buwan sa noo, at nakaputing balabal ! ANG kasuotan nya ay parang pang maharlikang uri ng pamilya. Aaminin ko , may nakakaakit syang mukha.

Pero ang sumunod na pumasok ay kakaibang nilalang na!
Nanghilakbot ako sa hitsura nya !
Para syang halimaw na kumAkain ng kapwa nya halimaw dahil sobrang lalaki ng kanyang ngipin, lagpas lagpas nayun sa bibig nya !

' Ah ! Tili ko ulit .

' Kambal ?? Gising na pala ang mPapangasawa ko ! Sambit nung MA lalaking ngipin na halimaw ?
' anu daw ?? Kambal sila ?? Pero ang layo ng hitsura nila ! At sinabi nya bang , mapapangangasawa nya ko ?? Ihhhh!!! Kadiriiiiii !! Naisip ko

THE ECLIPSE 2 ( COMPLETED )Where stories live. Discover now