BeLLA POV
' Lux.. Sigurado ka ba ?? Ayos lang bang sumugod tayo sa Kampo ng kalaban ?? Usisa ko Kay Lux.
' Kelangang mailigtas natin ang mga kaibigan natin.. Sagot nya .
' Habang nasa gitna kami ng paglalakbay patungo sa kabundukang sinasabi ni Lux,ay nakapag tatakang tila lumalakas ang hangin..
' Lux . nararamdaman KO ang itim na perlas sa malapit , biglang sambit ni Belle.
' Si Asmodeous , marahil nandito ang demon na yun. Sagot ni Lux.Patuloy kaming naglakad. Hanggang sa tumambad na nga sa harap namin ang isang kweba !!
Malaking kweba.!!' Naaamoy ko sila sa loob , sambit ni Lux , kaya papasok na sana kami .
Pero pinahinto kami ng rumaragasang buhok!!
Tumilapon si Belle at Lux., Pero ako ? Nagawa Kong umilag ? Oo nga pala , nasa akin ang puting perlas !! Kaya nakikita ko yung mga buhok.Anu yun ?? Tila nagtatakang sambit ni Lux !!
' Lux !! Mga buhok !! Sigaw ko !
At pinigtal ko sa leeg ko ang kwintas kong puting perlas , at mabilis Kong ihinagis Kay Lux !! Para makita nya ang pag sugod ng mga buhok nayun !!Nagawa naman yung Sambutin ni Lux , at mabilis nyang niyakap si Belle para maiiwas, sa umaatakeng mga buhok!
Unti unting naglaho sa paningin KO ang mga buhok ! Marahil dahil wala na sakin ang white Pearl .Nagtago nalang ako !
Pero ........
Naramdaman KO nalang na tila may pumulupot sa mga kamay at binti ko ! Itinaas ako ng kung anu !
' Bella !! Sabay na sigaw ni Lux at Belle !! Naku naman kelangan na naman nila akong iligtas !!
Maya maya ay lumitaw ang isang magandang Babae , na may maiksing suot ?!
..' Oh Alpha. Kanina pako nag aantay !! Sambit ng Babae.
' Ako si Yooka , at ang misyon ko lang ay patayin kayo! Nakangisi nyang sigaw .
Umiilag si Lux !! Pero wala akong makita kung sinong iniilagan nya !! Hindi ko makita ang mga buhok na pinang aatake ni Yooka ! Pero sigurado yun ang dahilan , kaya may nakapulupot sa mga braso ko at paa ko ngayon na naging dahilan , Kaya mag mistula akong nakalutang !!Maging si Belle ay lumutang , pero tila may sumasakal naman sa kanya ! Parang Hindi sya makahinga !!
Belle !!! Sigaw ko
NWala naman sa atensyon sa pakikipaglaban si Lux , siguro dahil nag alala sya Kay Belle !
Kaya tinamaan sya sa likod , ng kung anu ?!?!
Tumilapon na naman si Lux , at napansin Kong dumugo ang likod nya !!Luxxxxxx!!!! Sigaw ko
Nakita Kong biglang nagbago ulit ng anyo Si Belle, Humaba ang tenga nya ! At namula ang mga mata ! Hanggang sa ...
. nagawa nyang makawala sa tila pag sakal ng mga buhok ni Yooka sa kanya !!Agad nyang nilapitan si Lux !!!
' Nakita Kong , biglang Nagliwanag ang puting perlas.!!
Nakakasilaw na liwanag !' ngayon puting perlas.. Ipakita mo sakin ang tunay na anyo ng aking kalaban !! Sigaw ni Lux !!
Halos Hindi ako makadilat nung mas Nagliwanag pa ang puting perlas.. At ng mawala ang liwanag nito ......Tumambad sa mga mata ko ang napaka kapal na palang buhok sa paligid !!!
Makinang ang mga buhok ! At tila sobrang talas !' Hahaha hahaha ah !!! Magaling Lux, mukhang Napa labas mo nga ang aking mga buhok dahil sa mahiwagang perlas nayan! Pero Hindi ako ganun kadaling matalo !! Sigaw ni Yooka !!
At mabilis na pinaluputan si Lux at Belle !!