Asmodeous POV
Habang iniisip ko ang plano laban sa mga kalaban , ay dumating si Ryu.
' kamahalan ? Patawarin nyo po ako.. Pero ... Hindi po magawa ng kapangyarihan ko na sakupin ang utak ni Zeyus . may kakaiba ho sa kanya .... Pero isa lang ang sigurado ,, isa syang kalahating lobo at kalahating bampira, nasa mataas na lupon sya ng kanilang lahi , marahil sya ay isang prinsipe ... Sambit nya .
Napaisip ako lalo. Si Reyna Cassiopeia , ay kalahating lobo at kalahating bampira din, at ganun din si Lux ay may dugong bampira ... Pero wala akong nabalitaang may kakampi pa silang nag ngangalang Zeyus .. Sino sya ?? Anung kelangan nya ??
' kamahalan... Hindi ko man siguro sabihin... Alam Kong ramdam nyo na kadugo sya ng Alpha ... At ni Belle.sabi ni Ryu.. Na labis na nagpabigla sa aming dalawa !!
' Ang sanggol !!! Sabay pa naming sabi !!
Kung ganun, parehas ang nasa isip namin,!!Si Zeyus ! Sya din ang sanggol na anak ni Lux at Belle ! Pero sa panahong ito, ang sanggol ay hawak ko, kaya kung tatapusin ko ang sanggol , pwedeng mamatay nadin si Zeyus !! Mabilis Kong hinanap ang sanggol pero wala si Wendy sa paligid na syang nag aalaga dito
' Nasan si Wendy ?? Usisa ko Kay Ryu
' Dinala nya ang sanggol sa may ilog .. Para mabanlawan!!
' Pinapaliguan sya ni Wendy sa ilog ? Pero bat Kelangang doon pa ?? TSS. Hindi talaga sya nag iisip ! Kelangan ko silang mapuntahan ! Habang palabas ako ay Hindi ko inaasahang nandun na si Zeyus sa labas !! Ewan ko kung Bakit , pero biglang umahon ang kaba sa dibdib ko ! TSS. Bakit naman ako matatakot sa kanya ?? Natatakot nga ba ako !! ??
Nagkamali ka ata ng pinuntahan . Hindi mo ba ramdam na wala dito ang sanggol ?? Wala dito ang iyong batang anyo Prinsipe Zeyus , na anak ni Belle at Lux. Nakangisi Kong sambit.
Pero ni Hindi sya kumibo. Ni hindi ngumiti.
Biglang sumugod nalang sya , at Hindi ko inaasahang ganun sya kabilis !! Butiy mabilis akong nakaiwas , !! Bwisit !! Ngayon lang ako natakot ng ganto sa buong buhay ko !! Doble ang lakas nya , kesa sa lakas ng kanyang amang si Lux ! Wala naman dito ang sanggol , anu pa bang kelangan nya ?!!
' Kayang kaya mo naman akong patayin , pero Bakit .. Bakit Hindi mo pa gawin ?!! Sigaw ko.
' Kaya bigla syang huminto sa pag sugod. !
' Kung Hindi mo kayang talunin ang aking ama.. Magiging walang kwenta kana ding kalaban para sakin.. At Hindi ako pumapatay ng isang mahinang nilalang... Nakakainsulto nyang sagot ..
Pero Hindi pa nagkakainitan ang labanan namin ni Zeyus ay naramdaman Kong may malakas na pwersang pumasok din si teritoryo ko !!
At dalawang nilalang yun ! Marahil si Belle at Lux !!
Teka ? Hindi bat tao si Belle??Kelangan ko ng makatakas ! Dahil Siguradong mapapatay nila ako pag nagtulong tulong sila !Biglang sumulpot sa kabilang gilid ko si Lux at Belle!
Nagulat ako nung sugurin ni Lux si Zeyus !
Pero ... Bakit naglalaban silang mag ama ???' Pagkakataon ko na para makatakas !!
Pero nung patakas nako , ay biglang dumating si Wendy dala ang sanggol na Zeyus !! Kaya natigilan parehas sa paglalaban si Lux at Zeyus..Uunahan ko na sana si Lux at Zeyus sa bata pero nauna padin si Zeyus !!
Pasugod palang kami ni Lux ay naagaw na ni Zeyus ang sanggol Kay Wendy !
Pero dahil lalaban sana si Wendy , ay iwinasiwas ni Zeyus ang kuko nya sa ere , na halos wasakin ang buong katawan ni Wendy !!!!! Ng Hindi man lang yata nito namalayan !! Shit ! Napakabilis nya !!