Chapter 61

233 16 2
                                        

Bella POV

Pilit Kong tinatanggal ang galamay ng halimaw sa braso ko , pero Hindi ako makawala,

Hanggang sa makita ko si Lux,! Sinundan nya ko sa ilalim!

' sabi ko na nga ba, sya ang Tagapagligtas ko!! Kinikilig pako habang naiisip ko yun , kahit mamamatay nako!

Hinawakan ako ni Lux, pero ayaw akong pakawalan ng Halimaw !
Kaya laking gulat ko, ng gamitan lang  ni Lux ng matutulis nyang kuko ang kalaban,
Bakit di nya gamitin ang malakas nyang kapangyarihan??

Kitang kita ko kung paanung , nahati ang galamay ng halimaw, kahit kuko lang ang ginamit ni Lux!!
Hinila nako ni Lux paakyat agad!
Pero ...
Sya naman ang pinaluputan ng galamay ng halimaw.!!
Pero nagawa nya ding putulin yun !

Paulit ulit lang na ganun ang atake ng kalaban, pero nakawala padin si Lux,
Hanggang sa unti unting tila nanghihina si Lux ! At di na makalangoy at makasunod sakin!

Nakuuu !! Ngayon ko lang naalala, Hindi nga pala sya nakakahinga Sa ilalim ng tubig !! !!!
Unti Unting tila nawawalan na ng ulirat si Lux , kaya nilangoy ko sya agad !!

Wala nakong ibang naiisip na paraan , kundi ang bigyan sya ng hangin sa ilalim ng Tubig !!
At syempre kelangang..

Magdikit ng mga labi namin !!
.

Wala ng ibang paraan ! Kesa hayaan ko syang mamatay !!

Ginawa ko nalang ang tama.. Inilapat ko ang mga labi ko sa mga labi nya , at binigyan  ko sya ng hangin..

Hanggang sa makalutang kami sa ibabaw ng tubig , ay magkalapat padin ang aming mga labi.

' Kakaiba sa pakiramdam .. Ang pagkakadikit ng mga labi namin.. Parang may kung anung kiliti yun sa buong sistema ko.. Ang sarapp sa pakiramdam..!

Kaso...
Gulat na gulat na humiwalay sakin si Lux!
Parang Hindi nya inaasahan ang ginawa ko!

' Kelangan mo ng hangin! Agad Kong palusot ! Pero feeling ko naginit ng husto ang pisngi ko sa sobrang hiya!!!

Pero Hindi pa nakakasagot ulit si Lux ng biglang lumitaw ulit ang Halimaw sa tubig!!

' Bella !! Takbo! Alam ko na kung bakit, isinara ang tarangkahan at sinelyuhan! Para Hindi makapasok ang halimaw nayan sa loob ng Oceana ! Hindi sya magawang patayin ng mga malalakas na nilalang, dahil sagrado ang lugar NATO..! Walang kapangyarihang pwedeng magamit pag NASA loob ng lugar nato! At palagay ko, alam ko na kung nasan ang iyong ama at ang iba pa !! Sambit ni Lux..

Kaya natulala ako!

Nagulat nalang ako ng bigla nya akong buhatin, ipinasok nya ko sa palasyo, at nung makapasok na kami , kitang kita ko , kung paanung isinara ulit ni Lux,  ang malaking pintong yun! At tila sinelyuhan nya ulit yun, kaya kahit kalabugin yun ng halimaw sa loob , ay Hindi yun bumibigay at nabubuksan!!

Nagkakagulong naglapitan lahat ng tao sa palasyo papunta samin ni Lux,

' Ano ang kumakalabog nayun Ate Bella?? kuya Lux?? Usisa ni Zyrus,
Parehas kaming Hindi nakasagot ni Lux .. Kaya tinitigan nila kami ng may panunukso na naman ang mga mata!

' May nadistorbo ba kayo sa loob ng tarangkahan nayan? Nung magpasya kayong sabay maligo?? Nakangising pang aasar ni Zyrus, kaya agad ko syang kinurot!

'Puro ka talaga kapilyuhan! Inis Kong sambit!

' ouch !! Kuya Ohh !! Sumbong nya pa Kay Lux, kaya napatingin sakin si Lux, ayan tuloy kumabog na naman ang dibdib ko sa kaba, at nahihiya akong napayuko!

THE ECLIPSE 2 ( COMPLETED )Where stories live. Discover now