Chapter 81

298 17 9
                                    


Belle POV

' Hindi ko alam kung anung klaseng lakas ang ramdam Kong nag uumapaw sa katawan ko..  Nagbago din ang aking anyo , Hindi ko na ramdam ang dating ako sa katawang to , parang .... Parang lumabas na nga ang tunay Kong katauhan . isang bamipira , at Hindi isang ordinaryong bampira ,kundi ang kanilang supremo ..

Hindi ko alam kung saan ako totoong nagmula , pero sa ngayon hindi na yun importante , ang tanging importante lang , ay maipagtanggol ko ang aking anak , at matulungan ko si Lux na mapaalis ang kaluluwa ng demonyong si Asmodeous na syang umaangkin sa katawan ni Lux ngayon .

Sandali ? Nasan si Lux ? Nag palinga linga ako sa paligid , nakita ko syang nakahandusay , at unti unting tumatayo , naalala ko na , tumilapon sya nung mag palit anyo ako ,nasaktan kaya sya ? Lalapitan ko sana sya pero , narinig ko ang marahan nyang pagtawa ,

' Belle ..  Belle...belle ...  Tsk tsk tsk hahahahhaha . bat ka nag aalala sayong kalaban ? Hindi dapat ganyan kalambot ang puso mo sayong kalaban , sabi nya , saka Hindi ko namalayang nakalapit na sya agad sakin, kinalmot nya ako ng mahahaba nyang kuko ..  Na halos wumasak sa aking katawan , masakit .... Pero mas masakit na si Lux ang gumagawa nito sakin ,

Ang nilalang na dapat ay pumuprotekta samin ,

Tumilapon ako pababa ,at halos bumaon ako sa lupa , nahukay yun na akala mo ay tinamaan ng isang napakalaking pagsabog , ganun kalakas si Lux , ganun kalakas ang atake nyang yun sakin...

' Lux...  Mahal ko... Gumising ka... Nanghihina Kong sambit ! 

Pero tila Hindi nya yun nadidinig .. Dahil muli na naman syang umatake sakin . 
Malakas na suntok sa aking tyan , ang muli nyang pinawalan , na halos magpawala sa aking Malay .

' Ugh !!! napakaraming dugo ang isinuka ko , kasabay ng atake nyang yon.. Pagkatapos ay
nakita ko na nag anyo syang taong lobo , at akmang sasagpangin ang aking leeg !! Papatayin nya ko talaga !

Pero dahil hinang hina ako , Hindi ko na magagawang umilag , at higit sa lahat hindi pako pamilyar sa ano mang kaya Kong gawin , sa anu mang kayang gawin ng katawan na to , sa ano mang kakayanan ko bilang supremo ..

Kaya nag antay nalang ako , na mamatay na ng oras nayun ...

Pero .... Isang malaking asong lobo na kulay puti ang sumagpang sa katawan ni Lux , nasugatan sya !
Nagpagulong gulong gulong ang dalawang halimaw !

Si Jax !! Tinulungan ako ni Jax !! Nagpambuno sila ni Lux , habang nasa anyong lobo sila ,

' Belle , tumakas kana , hanggat kaya ko pang lumaban ,alam mong Hindi ko kaya ang lakas ni Lux , pero susubukan Kong mabuhay hanggat di kapa nakakalayo , dalhin mo ang iyong anak !! Sigaw ni Jax sakin ..

Ayoko , Hindi kita iiwan , sigaw ko din Kay Jax

Pwes ! Lumaban ka !! Wag kang masiraan ng loob ,dahil ang totoong Lux , ay hinding Hindi ka kayang saktan , marahan pero madiing sambit sakin ni Jax!

' sa pagkakataong yun , ay tila natauhan ako !!

Hindi ..  Hindi kami magagawang saktan ng totoong Lux !! Katawan nya lang yan , pero hindi si Lux ang kalaban namin ngayon kundi si Asmodeous , tama.....  Hindi sya si Lux

Hunghang! Sa palagay mo bay kaya akong saktan ni Belle ?? Hahahahhahahah! Tila nangiinsulto pang sambit ni Asmodeous ..

Kaya natawa din ako ng marahan ,

' Hindi naman siguro magagalit si Lux , kung masusugatan o mapapatay ko sya , mas magagalit sya pag wala akong ginawa at hinayaan ko lang na angkinin ng isang mahinang kampon ng empyerno ang kanyang katawan , nakangisi Kong sambit na tila nagpayanig sa buong katawan ni  Asmodeous ...

THE ECLIPSE 2 ( COMPLETED )Where stories live. Discover now