Chapter 22: Sizzling Hot

2.9K 80 6
                                    

JANNAH POV

"God Krylster ! Ano bang pumasok sa utak mo at pumayag kang sumama sila ?!!". Grabe nakakainit talaga ng dugo tong lalaking to.

"Ok calm down babe".

"Stop calling Me babe you Bastard !!". Ang laki na nga ng problema tapos babe pa siya ng babe ! God.

"Ok Pumayag akong sumama sila para naman makapagusap si Jhelic at nung Mark".

"What ?!". Ano bang iniisip niya ha ? At kalmado pa talaga siya sa kalagayan namin ngayon ha .

"Teka nga pwede patapusin mo muna ko jannah ? Tss. Kasi sa tingin ko kailangan nila ng Closure para naman maayos na nila to, Closure na magpapalaya sa kanilang dalawa ". Minsan gumagana din pala utak nito. Pero sana umipekto nga.

"Sana umipekto nga yang sinasabi mo, Dahil kung Nakita mo lang si Jhelic non kung pano siya nasasaktan napakalayo sa Jhelic na ipinapakita niya ngayon. She's slowly tearing apart everyday, I know that At ayoko nun. Ayokong nakikita siyang ganun".

Naramdaman ko nalang na niyakap niya ko. Isang Mainit na yakap na nagpapakalma sakin.

"Sssh stop crying alam ko namang hindi siya papabayaan ni gab".Yah umiiyak ako lalo na kapag naaalala ko si jhelic.

"Sana nga krylster".

Nagtagal ang yakap namin ng ilang minuto. Napakaswerte ko at Nandito siya sa tabi ko. Gustuhin ko mang maging kami hindi pa pwede kailangan ko munang tulungan si jhelic sa problema niya. At sana Mahintay niya yung araw na yun.

JHELIC POV

"Ok na ba lahat ng gamit mo ? Baka may naiwanan ka pa ?".

"Eeh Kompleto na nga po". Kanina pa kong kinukulit ng Mokong na to.

"Tss. Sinisigurado ko lang".

"Promise Kompleto na talaga kaya tara na at baka tayo nalang hinihintay nila". With matching taas pa taLaga ng kamay yung ginawa ko para mas maniwala siya Kulit kasi eh.

"Your late". Yan lang naman ang napakagandang Bungad samin ni jannah .

"Tss".

"Hayaan Niyo na baka umiscore lang si insan". Namula naman ako sa hiya dahil sa sinabing iyon ni josh.

"What did you just say josh ?". Kalmado Ngunit nakakakilabot na tanong ni Gab kay josh. Lagot ka ngayon.

"Ah sabi ko insan Kompleto na tayo kaya tara na". Haha. Mga palusot talaga Nitong si josh.

"Waaah I'm so excited". Napatingin naman ako kila Nicole .

"Halata nga, First time?". Sarcastic na tanong ni jannah.

"Jannah !". Saway naman ni krylster.

Imbes na sumagot pa pumasok Nalang si jannah at ganun din ginawa namin.

Three Chairs yung Upuan ng van hindi pa kasama dun yung driver seat di bale Apat pag Sinama .

Si Krylster yung driver namin ngayon hindi na kasi nila pinasama yung driver nila matatagalan daw kasi kami kaya siya na nagdrive. Katabi naman niya si Jannah sa unahan.

Di bale ang Sitting arrangement namin sa Van ay .

Sa Unahan - Si Krylster at Si Jannah.

Next - Ako at Si Gab.

Then - Si Josh at Si Zhie zhie.

And last - Si Mark at Si Nicole.

Tahimik lang yung naging biyahe namin Siguro dahil na rin sa antok. 5 am palang kasi at sabi nila baka abutin ng 4 hours ang biyahe papunta sa resort. Sa Batangas located yung resort nila gab kaya medyo Malayo din.

Just Shut Up And Kiss Me [Wattys2016]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon