Chapter 40: Mahal Ko Parin Ba Siya ?

2.3K 43 2
                                    

A/N: GoodMorning guys. Hohoho. Sensya na at late na kong nakapag update hinintay ko pa kasing makatulog yung kapatid ko kagabi para magamit yung nila yung WiFi Kaya tuloy hindi Ako nakapag Update Kagabi. Wawa tuloy Si JC. T^T.

Pfffft O siya. Tama na ang Paliwanag .

Hope you like it nalang guys. =))

-----------

"Hey Princess here comes your favorite". Bungad sakin ni kuya Pagbalik niya. Napansin kong may tinatago siya salikuran niya pero hindi ko makita ng ayos. Nandito kami sa park dahil dito ko dinala ni kuya nung sinundo niya ko at Pagkatapos din nung insidente.

"Charan". Sabay lahad niya sakin ng isang color pink na cotton candy. Napangiti naman ako nun. 'Hindi pa pala nakakalimutan ni kuya'. Yan ang nasabi ko sa isip ko Nong oras na yun. Nung Bata kami pareho naming favorite ang cotton candy. Kanya blue at pink naman ang akin na tulad ngayon. Sabay pa nga kaming nagpapabili kila mama.

"Salamat kuya". Malumanay kong sagot.

Tahimik lang kami doon habang nakatingin sa mga batang nandoon din at naglalaro. Walang nagsasalita kaya naman kinain ko nalang Yung binigay niya saking cotton candy at hindi nalang din nagsalita.

"May problema ba tayo princess?". Napatigil naman ako doon sa pagkain ko at Napatingin kay kuya dahil sa mga Sinabi niya. "Tungkol ba to sa pagpunta natin sa Korea ?". Dagdag pa niya.

"Kuya .. ". Yan lang ang nasabi noong mga oras na iyon. And all of a sudden bigla Nalang pumatak ang mga luha mula sakin mata. Hindi ko kung bakit ako Naiiyak ngayon. Hindi ko alam.

"Naaalala mo ba nung mga Bata pa tayo, lagi kitang Pinipilit na sumama sakin para manuod ng game namin tuwing may laban kami ng mga kaibigan ko ? Lagi mo pa nga akong Tinatanggihan noon dahil sabi mo panglalaki lang yun at dahil sa takot ka ding matamaan ng bola pero dahil napakakulit ko noon pinilit parin kita kahit na ayaw mo talaga. Sinabi ko pa nga noon na akong bahala sayo, hindi ka matatamaan ng bola para lang mapilit kita kaya ayun napipilit nga kita. Ang Kulit kasi Ni kuya Noon eh". Sabay kamot niya ng batok na parang Nahihiyang Bata habang Nakangiti.

"Kung dati ay marami akong Pinipilit na bagay sayo sorry gusto lang kasi talaga ni kuya na mapanood mo siyang makapaglaro. But now I will be not selfish anymore, From now on I will listen and respect your decision because I love you my princess". At saka niya ko niyakap dahilan para yakapin ko din siya. Noong mga oras na yun parang gusto kong magtatalon sa tuwa at Magsisigaw. Pero biglang sumagi sa isip ko na wala na pala. Tapos na ang lahat. At ang natitira ko nalang na pagpipilian ay ang umalis .

THIRD PERSON POV

"Eh Gago ka kasi pare sabihan mo ba naman ng ganun, maski sinong babae sabihan mo nun ay magagalit din". Saad ni krylster sa kaibigan sabay lagok sa bote ng beer na hawak nito.

Kasalukuyan sila ngayong nasa isang bar ng kaibigan. Para ano pa nga ba, edi para mag inom at para narin mailabas ni gab yung galit niya sa sarili dahil sa Ginawa niya kanina lang sa dalaga.

"I know". Yan nalang ang nasabi ni gab sa kausap. Alam naman Kasi niya sa sarili niya na siya yung mali doon dahil nagpadala agad siya sa selos na nararamdaman niya nung nakita nito ang dalaga na hinahalikan ng ibang lalaki.

Just Shut Up And Kiss Me [Wattys2016]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon