Chapter 52: Thank You !

1.6K 28 13
                                    

A/N: Third Update :))

Enjoy guys.

Tumatakbo ako ngayon kahit na hindi ko naman talaga alam kUng saan ba ko pupunta o dapat pumunta.

Bakit ba kasi ang sakit. Bakit ba sobrang sakit Makitang masaya siya kasama siya.

Oh Nakalimutan ko ex niya nga pala si Venice. How nice diba. Habang Masaya sila doon ay heto ako at hindi alam kung Anong dapat kong maramdaman.

Dapat ba kong magalit ? Dapat ba kong Magwala sa harap Nilang dalawa o dapat ko nalang hayaan at itago nalang tong sakit ?

"Mag isa ka ata ?". Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa likuran ko.

Bakit ba sa tuwing malungkot ako siya nalang lagi ang nakakakita sakin ?

"A-ah wala nagpapahangin lang tiyaka Ang Ingay na din kasi dun may pool". Pagsisinungaling ko.

"Ngayon ka pa ba magsisinungaling sakin Jhelic ?".

Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. How can this man read my emotion anyway.

"It's not that I can read your mind Jhelic it only just that I see it on your action that your hurting am I right ?".

Hindi pa ba niya nababasa ang nasa isip ko sa lagay na yan ?

"Sabihin mo nga sakin PJ Bakit ba sa tuwing nakikita kong magkasama silang dalawa nasasaktan ako ? Bakit ba ang hirap paniwalain ang sarili mong wala lang ang lahat ng mga yun ? Bakit ? Bakit ang hirap baliwalain ang lahat ng yun".

"Bakit ? Just simple as that na MahaL mo siya. Hindi ka naman Siguro maapektuhan sa taong hindi mo naman pinapahalagahan diba ?". Napatingin ako sa kanya. "Alam ko ang nararamdaman mo ngayon Jhelic, kung hindi man ganung ganoon ay alam ko din ang pakiramdam ng nasasaktan. Mahirap. Oo mahirap pero hindi naman Siguro yun pwedeng maging dahilan para sumuko ka diba. Tandaan mo Jhelic Matagal nang Nag umpisa na ang laro kaya kumilos kana para hindi ka Magsisi sa huli".

"Ano bang Laro ang sinasabi mo diyan PJ ? Sa totoo lang naweweirdohan na ko sayo ha. Teka nga nagdadrugs kaba ?".

Biro ko sa kanya kahit na ang totoo ay Matagal na kong kinakabahan sa mga kinikilos niya.

"Haha. Hindi naman". Saad niya saka siya ngumiti ng Bahagya. "Isipin  mo nalang na kailangan mong manalo sa larong to para maging masaya kana".

"Ha ?". Mas lalo ata akong naguluhan sa kanya ngayon.

"Wala. Sige una na ko. Ingat ka nalang". Yan lang ang sinabi niya sakin at saka niya Ginulo yung buhok ko bago siya umalis.

Napatingin nalang ako sa kanya habang naglalakad siya palayo sa akin.

Ano ba talagang Laro ang sinsabi mo ?

Yan sana ang gusto kong muling itanong sa kanya pero sa Tingin ko ay hindi naman niya yun sasagutin ng ayos tulad ng ginawa niya kanina. Baka nga mas lalo pa kong maguluhan pag ginawa ko yun.

Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang Naglalakad na pala ko Pabalik ng pool kung saan naroon silang lahat.

"Hoy Jhelic San kaba nagpunta kanina ka pa naming hinahanap ah. Hindi ka naman namin macontact". Bulyaw agad sakin ni jannah pagkabalik ko.

"Nagpahangin lang". Wala kong gana ngayong sumagot ng ayos sa mga tanong niya dahil sa totoo lang iniisip ko parin yung mga sinabi sakin ni PJ.

"Oh Jhelic Nandito kalang pala. Nagkita na ba kayo ni gab ? Kanina kapa kasi niyang hinahanap samin". Sabi naman sakin ni zhie zhie na halatang Kakatapos lang kumain Dahil sa dala Nitong Plato.

Just Shut Up And Kiss Me [Wattys2016]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon