Chapter 50: Weird !

1.9K 35 11
                                    

A/N: Sorry ! Sorry ! Sorry ! Sorry ! Sorry !
Yun lang ;)

Enjoy the UPDATES :))
-------

"So kayo na ?". Tinignan ko naman siya na parang nagtataka.

"Baliw Anong Akala mo sakin madadaan sa stuff toys ?". Kinuwento ko kasi sa kanila yung nangyari kahapon lalo na yung sa timezone.

"Pwede din". Gaga talaga tong isang to.

"Hay ewan ko sayo, nga pala Anong nangyari nung umalis kami ?". Malay Niyo nag away yung Tatlo diba. Malay lang naman.

"Ay alam mo ang Weird nung PJ na yun. Tawagin ba naman akong Bishop". Ano daw ?

"Bishop ?".

"Oo. Tiyaka Muka ba kong tauhan sa Chess ". Pagmamaktol ni jannah.

Aaminin ko kahit ako naguluhan. Bakit sasabihin yun ni PJ kay jannah. May iba bang Ibig sabihin yun. Hay ewan.

"Baka naman nagkamali kalang ng rinig". Yan nalang sinabi ko.

"Hay ewan tara na nga lang sa gym".

"Mabuti pa nga ang boring dito". If I know Namimiss lang nila yung mga boyfriends Nila. Mga palusot.

"Sunod nalang ako may dadaanan lang ako". Babalik ko pa Kasi yung mga libro ko.

"Sige Bilisan mo baka hanapin ka ni gab".

"Baliw". Sagot ko na tinawanan lang nila. Mg Baliw talaga.

Pagkaalis nila ay Dumeretso nalang ako sa may locker ko para Makasunod agad ako sa kanila.

Malapit na ko sa locker room ng biglang may makabunggo ako. Pano tinetext ko kasi sila jannah  kaya hindi ako nakatingin sa daan.

Nagkalat yung mga libro ko sa sahig at ganun din yung mga gamit niya.

"Chessboard". Yan ang nasabi ko nung makita ko yung Nagpatak na gamit niya.

"Jhelic ?". Napatingin naman ako sa kanya. Not again.

"PJ kaw pala sorry hindi kasi ko tumitingin sa daan". Paliwanag ko.

"No ako dapat mag sorry hindi din Kasi ko tumitingin sa daan". Saka niya kinamot yung likod ng batok niya na parang Nahihiyang Bata.

Tinulungan naman niya ko sa pagpulot ng mga libro ko kaya naman tutulungan ko na dib sana siya.

"Wag". Nabigla Ako nung bigla siyang sumigaw.

"Ako nalang". Saka niya isa isang nilimot yung mga chess pieces niyang nagpatak.

Napansin ko naman na Kulang Kulang na yung mga pieces kaya tinanong ko sa kanya kung sadyang ganun baka kasi Nawala diba. Kasalanan ko pa.

"Ah PJ nawawala ata yung iba ?".

Tumingin siya sakin saka Ngumiti. "Natalo na kaya wala na. Matagal na kasing Nagsimula ang Laro Jhelic".

"Ha ?".

Ginulo niya muna Yung buhok ko saka sumagot. "Wala".

Tumayo na kami nung makuha na niya yung mga gamit niya. Bigla ko namang Napansin Yung kakaibang Chess Piece sa kamay niya nung natamaan ito ng sikat ng araw. Kaya napatitig ako dito.

Napansin niya sigurong tinitignan ko ito kaya mas itinago niya ito at isinuot sa kanyang bulsa. Sa palagay ko Isa Yung Queen Piece Ngunit gawa ito sa isang puting fiber glass na nagpalitaw ng kakaibahan nito sa ibang Pieces.

Just Shut Up And Kiss Me [Wattys2016]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon