Chapter 31: Zhie-zhie ?

2.4K 55 2
                                    

JHELIC POV

"Hoy! kaw naman ngayon ang tulala diyan,  Tapos ano ? Ako naman bukas ?". Sabi ni zhie-zhie sa kanina pang  nakatulalang si jannah. Lagi na nga siyang ganyan simula pa kahapon. Ewan ko ba kung Bakit nagkaganyan yang Babaeng yan, Daig pa ang na Gang Rape eh.

"Gaga hindi ako tulala. Na space Out lang". Palusot naman ni jannah.

"Gaga ka din. Isa lang Ibig sabihin nun no". Ang kulit talaga ng dalawang to.

"Sorry naman mapapatawad paba ? Ay kung hindi na suntukan nalang ano game ?". Pabirong sagot ni jannah. Napaka sadista talaga nito.

"Hey sinong magsusuntukan ha ?". Bigla naman kaming Napatingin sa nagsalita. Si krylster pala. As usual kasama niya yung dalawa. "Ah nga pala babe nagdala ko ng Food para sayo hehe".

Halos mapanganga naman kami ni zhie-zhie sa narinig namin. "BABE ??". Sabay pa naming Sigaw .

"Kung makasigaw naman wagas. Ang OA ha ?".

"So kayo na ? As in Mag jowakis na kayo ?". Tanong naman ni zhie-zhie.

"Manyakis - ano ? Hindi kita maintindihan". Gulong tanong naman ni krylster. Don't worry krylster parehas tayo. Kung ano-ano nang nalabas sa bibig Nitong si zhie-zhie eh parang hindi anak mayaman.

"Hay Nako. Jowakis hindi Manyakis Meaning nun MagSyota, mag boyfriend, Mag kasing Irog, MagKasintahan, Nagmahalan, ano pang gusto ? Naintindihan na ba ?".  Minsan iniisip ko hindi lang Baliw tong si zhie-zhie para kasing may pagka alien din to eh. Ang daming alam na Alien words eh.

"Grabe zhie-zhie ha kung anu-ano nang Alien words yang nalabas sa bibig mo San mo bang planeta napupulot yan ?". Pang asar naman ni jannah. Agree naman ako kay jannah.

"Uo nga zhie-zhie, haha kumain kana lang madami naman tong dala ko baka gutom kalang". Ngayon si Krylster naman ang nangaasar ngayon kay zhie-zhie.

"Ewan ko sa inyo. Bagay talaga kayo eh no. Sarap niyong pagbuhuling dalawa". Asar namang sagot ni zhie-zhie.

Bigla naman akong napaharap sa pwesto ni josh na kasalukuyang nakatitig ngayon kay zhie zhie. Mmm I smell something Malansa here ha. Ano kaya yun ? Hihi.

"Oh Jhelic nakangisi ka diyan ?". Hala ngumingisi na pala ko ? Jannah naman eh pinansin pa ko. Kaya tuloy lahat sila nakatingin sakin ngayon.

"Ako nakangisi ? Hindi naman ah". Ok palusot.com.ph na naman po.

"Alam mo Jhelic ikaw ata ang gutom eh try mo kayang kumain ?". At sabay sabay naman nila kong tinawanan. Imbes na pahabain pa ang usapan Inirapan ko nalang sila. Minsan Nakakainis ding may mga kaibigan kang ganito no.

"Oo nga pala di niyo pa ko sinasagot. So kayo na nga ?". Tanong naman ulit ni zhie-zhie.

"Yung totoo zhie-zhie Mahina lang talaga ang Connection Kaya Hindi Makaintindi o Slowpoke ka lang talagang babae ka ?". -jannah.

"Eh ano nga ??". Pagpupumilit naman nito.

"Oo nga paulit ulit ?".

"Sasabihin din naman pala kung anu-ano pang sinasabi". Sagot niya naman. "Nga pala congrats I hope magtagal kayong dalawa".

Napansin ko namang biglang lumungkot ang tono ni zhie-zhie Pagkasabi niya noon. May problema ba siya ?

ZHIE-ZHIE POV

"Nga pala congrats I hope magtagal kayong dalawa". Sa mga huling salitang yun hindi ko na napigilang maging malungkot dahil sa totoo lang naiinggit ako kay jannah. Sobra kong naiinggit sa kanya dahil buti pa siya alam niyang mahal din siya ng mahal niya eh ako eto umaasa sa wala.

Just Shut Up And Kiss Me [Wattys2016]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon