Chapter 46: The Past

1.9K 27 6
                                    

A/N: Hello Guys. Update For Chapter 46 !
Hope you like it.

Update Schedule: Tuesday and Saturday.

---------

Pagkarating namin sa cafeteria ay Dumeretso nalang kami sa upuan namin ng walang umiimik as in wala.

Siguro napansin din ng ibang estudyanteng nandun yun dahil lahat sila ay napatingin samin. Nawala lang yun ng tumunghay si gab.

"What do you want to eat ?". Tanong nito sa akin. Pero para kasing nawala yung gutom ko sa nangyari kanina.

"Hindi ako nagugutom".

"But you said kanina na --".

"Sino si PJ ?". Pagputol ko dito.

Hindi ko na kasi mapigilan eh. Parang kada pagdaan ng

Oras na hindi ko nalalaman yung mga sagot sa tanong ko ay parang mas nahihirapan ako.

Alam ko at nararamdam kong may mali sa nangyayari and I have the right to know it.

"Jhelic ..". Halatang nagpipigil siya nung sinabi niya yung Pangalan ko.

Its like a warning for me but hell I care gusto kong malaman ang totoo.

"I said who is PJ ?".

Ulit ko. But this time hinawakan na ni jannah yung kamay ko na para bang pinipigilan na niya ko.

"Tama na". Bulong sakin ni jannah.

"Nevermind him its none of your business".

Pero dahil Matigas ang ulo ko at dahil na rin sa gusto ko talagang malaman ay hindi ko siya tinigilan hanggang sa mapuno na siya.

*BOOGSH*

Lahat kami ay Nabigla ng bigla niyang suntukin yung table sa harap namin na gawa sa pure metal.

"I said its None of your Business !". Sigaw nito habang nakayuko.

Napatingin ang lahat ng estudyanteng nandoon Pati na rin yung mga nagtitinda dahil sa lakas ng pagsuntok nito.

Napansin ko din ang pagdugo ng kamao niya dahil sa pagsuntok nito dito.

Hindi ko alam pero hindi ko makapa yung boses ko dahilan para hindi ako makapagsalita.

Bigla ko nalang naramdaman na tumulo na pala yung luha ko.

"Jhelic". Ngayon ay mahinahon na siya habang papalapit sakin.

"Diyan kalang wag mo kong lapitan". Sabi ko habang hindi tumitingin sa kanya.

"Jhelic I'm sorry". At muli niya kong tinangkang lapitan.

"Sabing diyan kalang eh wag mo kong lapitan. Wag mo kong lalapitan".  Saka ko tumakbo palabas ng cafeteria. Hindi ko alam kung Bakit pero bigla nalang akong nakaramdam ng takot sa kanya.

Narinig kong tinawag Nila yung Pangalan ko at ganun din siya pero nagpatuloy lang ako sa pag takbo. Bahala na kung saan ako dalahin ng mga paa kong ito.

Aaminin ko nasaktan ako nung sigawan niya ko. Sobra. Hindi ko kasi naisip na kaya niyang gawin yun. But I'm wrong kaya niya pala. Nagawa nga niya eh.

Nung mapagod na kong tumakbo ay umupo muna ko dun sa Upuang nakita ko. Nasa May garden na pala ko.

Doon umiyak lang ako ng umiyak hanggat kaya ko. Hanggang sa mawala yung sakit.

" *Yawwwwwwn* Ang Ingay mo talaga kahit kailan".

Just Shut Up And Kiss Me [Wattys2016]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon