Chapter 37: Kuya Nathan

2.1K 42 2
                                    

A/N: Hello. Hi. Musta ? Haha. Pinilit ko pong mag UD ngayon Ng 2 chapters Pero Sa kasamaang Palad ay nabigo ako sa dahil sa kadahilanang ako'y abala sa Maraming Gawain sa Aming paaralan. Muli patawad.

Hahaha. Takte ! Para na kong makata XDD. Oh so yun guys salamat sa suporta ha. Sa mga magpapadedicate Comment lang po.

Salamat Ulit.

---------------

"Wooooh Go Sandford University !! Wooooooh ".

"Go Sandford ! Go Sandford ! Go . Go . Gooooo SANDFORD Wooooooh".

"Go Sandford Talunin Niyo Yang Brahmans University Na Yan Woooh".

God ! Kaya ayaw kong pumunta sa mga ganitong Laro eh. Wala kanang maririnig kundi sigawan. Ah I hate it ! Sino ba naman kasing hindi eh baka nga mabasag na ear drums ko sa mga sigawan ng mga babaeng ito sa likuran ko. Daig pa ang mga nanganganak sa pagsigaw eh. Jusko.

"HOY JHELIC BAKIT ANG TAHIMIK MO. UMIMIK KA NGA DIYAN". Sigaw sakin ni jannah. Pano ba naman Kasi sa lalakas ng boses ng mga tao dito ay hindi ka maririnig ng kausap mo kapag hindi ka sumigaw. And yeah Nandito ko ngayon sa Game Nila Krylster kahit na ayaw kong pumunta. Nagulat nga sila jannah at zhie-zhie nung makita ko.

** Flashback **

"Ah kuya naguumpisa na po ba yung Laro ?". Tanong ko dun sa gwardiyang nakabantay sa gate.

"Ah Opo Mam Kakaumpisa lang". Sagot nito. Hay naku sabi na't malelate ako eh bakit ba kasi ako nakatulog eh.

"Ganun po ba. Sige kuya salamat". Saka ko naglakad Papasok ng Gym. Late na nga ako tapos babagalan ko pa ? Hay. Kahit naman kasi ayaw kong manuod ng game wala akong magagawa just because wala na kong maisip na Palusot. Palusot para hindi sumama sa airport.

Hindi na naman ako nahirapang hanapin sila zhie-zhie dahil nakita ko agad sila Na Papasok ng Gym. Bumili ata sila ng makakain ? May dala kasi sila ng supot eh and I think pagkain yun. Ano pa ba Pwede Nilang isupot na dadalhin sa loob diba pagkain lang.

"Oh Akala ko ba hindi ka manunuod ?". Bungad sakin ni jannah. Bait talaga ng Babaeng to, yun agad tanong eh.

"Walang magawa sa bahay eh. Umalis sila mama kaya Napagpasyahan kong manuod Nalang ?". Palusot ko. Ayoko ko munang sabihin sa kanila yung tungkol sa pagbabalik ni kuya Nathan.

"If I know gusto mo lang Makitang maglaro si --". Bago pa niya matapos ang sasabihin niya Sinamaan ko siya ng tingin. "Maglaro sila ... Sila krylster diba. He-he. Tara na nga sa loob". Psh mga palusot ng babaeng to.

**End Of Flashback**

Hindi ko nalang sinagot yung tanong ni jannah. Ayoko ngang sumigaw no baka mawalan pa ko ng boses pag ginawa ko yun. And I DON'T want that to happen.

"Jhelic Bakit ang tahimik mo ? May problema ba ?". Tanong sakin ni zhie zhie. Hindi na siya sumigaw dahil magkatabi naman kami kaya Binulong nalang niya sakin yun para Marinig ko.

"Wala. Wala lang talaga kong ganang manuod ng mga ganito". Paliwanag ko kahit na hindi naman yun ang dahilan ko. Iniisip ko kasi kung anong mangyayari pag dumating na si kuya Nathan. At sa pagbabalik niya alam kong Maraming magbabago. Lahat ay Magbabago.

"Seryoso mo ha. Try mo kayang mag enjoy". Enjoy ? Sa ganitong lugar? Nagpapatawa ba siya. Utak talaga Ng babaeng to. Anong Akala niya dito bar na pwedeng magsayaw kung saan. Pero sa halip na sumagot ay hindi nalang ako Umimik at hindi na Naman niya ko kinulit pa.

Mabilis lang natapos ang game dahil nasa Third quarter na pala nung Dumating ako kaya hindi ko masyadong Napanood. Natapos ang Laro 78-75 in favor sa University namin. Dapat lang no.

Just Shut Up And Kiss Me [Wattys2016]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon