Chapter 30: Akin Kana

2.4K 58 7
                                    

JHELIC POV

Giving up doesn't mean you're weak. Sometimes, it tells you how strong you are..

..to let go.

Pero bakit ako Tumatakbo ngayon ? Bakit pakiramdam ko unti-unti akong nanghihina ngayon ? Pinakawalan ko siya dahil yun ang tama pero ang kapalit naman nun ay ang unti-unting pagkamatay ng pagkatao ko. Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan, hindi ko na siya papakawalan pa dahil ang sakit Makitang masaya siya kasama ng iba.

**Flashback **

"Jannah ayoko nga eh". Pigil ko kay jannah. Kanina pa kasi nila kong pinipilit manuod ng practice. Support daw kung baga.

"Hoy babae, wag maginarte diyan. Tara dali". Sabay hatak na naman sakin.

"Oo na sasama kaya pwede wag nang kaladkarin ?".

"Sasama din naman pala Dami pang arte".

"Che ! Napilitan lang ako dahil sa pag hila mo".

"Yun lang ba ? Haha". Singit ni zhie-zhie habang tumatawa na animoy kinikilig.

"Oo nalang". Sabay irap ko.

"Opppss affective si Ateng Jhelic". At sabay naman silang nagtawanang dalawa. Mga Sira talaga.

"Happy naman kayo diyan ? Happy ?". Sarcastic kong sagot.

"Taray mo ga, haha".

"Teka Cr lang ako, diyan muna kayo". Paalam ni zhie zhie.

"Sama ko. Ikaw ba jhelic ?". Sagot naman ni jannah bago humarap sakin.

"Nah. Hindi ako naiihi".Saad ko naman. Totoo naman kasi.

"Ok Mauna kana lang sa loob para mapaihi ka pag Nakita mo siya. Hahaha". Sabay takbo. Alam niya kasing pag hindi pa siya tumakbo tatamaan na siya Sakin kapag hindi pa siya umalis.

Imbis na hintayin sila dumeretso nalang ako sa loob ng gym. And that was My biggest mistake. Entering that gym.

"HAHAHAHA G-ga HAHAHA G-gab A-ano b-ba HAHAHA".-Venice

"HaHaHa. Your so cute while laughing hahaha". Napatigil naman ako at napatitig sa kanilang dalawa habang Tumatawa. Tumatawa na ulit siya. Pero hindi dahil sakin.

**End of Flashback **

Kaya naman ito ako ngayon Tumatakbo na naman. Tinatakbuhan lahat ng problema ko na kala mo'y mawawala yung sakit kapag ginawa ko yun pero hindi eh. Nandun parin at parang mas lalong sumakit.

Hindi ko napansin Nandito na pala ko sa may park katabi ng school namin dahil sa pag takbo ko. Iyak ako ng iyak ngayon. Ang sakit kasi eh. Lalo na't  Nakita ko siyang masaya sa piling ng iba. Sino nga ba naman ako para mapasaya siya isa lang naman akong hamak na basura sa paningin nila kumpara dun sa Babaeng kasama niya ngayon, siya lang naman kasi yung Babaeng una niyang Minahal ng lubos. Eh ano namang laban ko dun ?

And with that thought napaiyak na naman ako. Kelan ko ba mararanasang hindi umiyak ? Yung saya lang mararamdaman ko?

Naramdaman ko namang may tumabi sa inuupuan ko at nag abot sakin ng isang puting panyo. Pero imbes na kuhanin tinitigan ko lang siya ng may pagtataka.

"Mas kailangan mo yan ngayon Kesa sakin". Sabay ngiti niya. "Ang dungis na kasi ng muka mo sa kakaiyak e hehe". Ano daw ? Kala ko naman mabait Mayabang din pala. Imbes na magsalita kinuha ko nalang yung panyong hawak niya at pinunasan ang basang basa kong muka.

"Joke lang. Ayoko lang kasing makakita ng mga Babaeng umiiyak". Panimula niya. "Problema sa pag Ibig ?".

"Pano mo nalaman ?".

Just Shut Up And Kiss Me [Wattys2016]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon