Chapter 32: Shes Crying

2.3K 50 1
                                    

JHELIC POV

"Manong Para Po". Sabi kay manong pagkatapat nito sa may harap ng Mall.

Nandito ko kasi gusto daw akong Kausapin ni Mark at dahil magkaibigan naman kami, (Oh bawal ng Kumontra Huwag nang ipilit ang hindi pwede  guys) eh pumunta nalang ako may sasabihin daw kasi siya sakin. Malay Niyo diba importante.

After ko namang Magpakapa at Ipatingin kay ateng na Guard yung laman ng bag ko eh sa wakas nakapasok na din ako, ginagawa lang daw kasi nila yun for the safety of the shoppers ng mall kahit na hindi naman talaga nila tinitignan ng ayos yung laman ng bag Masabi lang na tinignan. Hay mga pilipino nga naman.

At Imbes na problemahin ang mga Kaechosan ng mga guard ng mall ay Dumeretso nalang ako sa may Italianis'. Dun nalang daw kami magkita. Pagdating ko naman doon agad ko naman siyang nakita na nakaupo dun isang table for two. Nakatalikod siya sakin kaya naman hindi niya ko nakita kaya lumapit nalang Ako.

"Hey sorry late na ba ko ?". Bungad ko sa kanya. Agad naman siyang Napatingin sakin at tumayo.

"No napaaga lang talaga ko. Upo ka". Saad naman niya sabay hila ng Upuan na kaharap niya para makaupo ako. "Salamat". Sagot ko naman sa kanya. Nginitian naman niya ko bilang sagot.

"Waiter".Tawag niya dun sa waiter. "Anong gusto mong kainin ?".

"Kahit ano nalang Kaw nalang pumili". Sa totoo lang kasi wala naman talaga akong alam na pagkaing magugustuhan ko dito. First time ko lang kasing makapunta dito. Hindi kasi kami mahilig nila jannah sa mga ganitong restaurant.

Pagkasabi naman niya ng orders namin tumingin na agad siya sakin. Tingin nga ba o TITIG ? At dahil dun napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya para kasing ang awkward tignan after what happen.

"Ah Mark ano nga palang sasabihin mo ?". Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa cellphone ko na kasalukuyang hawak ko.

"Ah yun ba ? Siguro maya nalang Pagkatapos nating kumain ?". Sagot naman niya sakin. At dahil gutom na naman din ako hindi na ko Tumanggi.

"Okay ikaw bahala". Hindi naman masyadong Matagal yung paghihintay namin dahil agad naman naserve yung food. Isang carbonara like yung inorder niya. Masarap naman siya.

Habang kumakain tahimik lang kami. Walang naimik sa amin ni isa that makes the atmosphere Awkward ! Really awkward Siguro dahil pareho kaming  nahihiya sa Isat isa ? Ala Basta yun na yun.

"So ngayon pwede mo na bang sabihin yung dahilan kung bakit mo ko niyayang mag lunch ?". tanong ko sa kanya Pagkatapos kong Uminom. Nakita ko kasing tapos na din siya sa pagkain niya.

"Ah Oo nga pala. Sa totoo lang hindi naman to masyadong importante I just want to say goodbye ?". Umpisa niya. "Babalik na kasi kami ng US ni Nicole at dun na din kami titira for good and tomorrow na din yung flight namin".

"A-ano ? B-bakit parang ang b-bilis ata ?". Ngayon Nauutal na ko. Kasi naman Nabigla ako dun. Bakit Kasi ang bilis ?

"Actually Matagal na namin tong naplano gusto ko lang sanang sabihin sayo para naman hindi ka mabigla".

"So sa tingin mo hindi ako Nabigla ngayon ? Grabe kayo ha kung kailan paalis na kayo saka Niyo lang sasabihin sakin. Ang Daya.daya Niyo naman eh". Ngayon Naiiyak na ko. Kasi naman eh.

"Oh bakit ka naiyak ? Tumahan ka na nga". Saad niya sabay punas ng pisngi ko. "Ayaw mo nun matatahimik na kayo, wala kanang aalahanin pa diba".

"Mark naman eh".

"Haha. Joke lang. Don't worry bibisita parin naman kami dito eh at sana sa panahong iyon maging tama na ang lahat". Sabay ngiti niya sakin.

"Ha ?". Maging tama ? May mali ba ? Siya ata may tama eh.

Just Shut Up And Kiss Me [Wattys2016]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon