Chapter 39: Nathan's Syndrome

2.1K 45 12
                                    

A/N: Hi good evening Guys. Update for chapter 39. Sorry kung late ^^v

-HesInloveWithHer

--------

"Oh Before I forgot, I'm Nathan. Nathan Garcia, brother ni Jhelic". Sabay ngiti ni kuya. Halos matawa naman ako sa hitsura nila jannah. Lahat kasi sila nakakaang bibig na para any time in this moment pwedeng pasukan na ng langaw.

"K-kuya ?!!". Sabay sabay Nilang sagot Pagkatapos Nilang makarecover sa Pagpapakilala ni kuya. Ang hilig Nilang magsabay sabay, may balak ba silang bumuo ng choir ?

"May kuya ka pala jhelic ?".

"Hindi wala joke lang yun". Sarkastiko kong sagot. Muka ba kaming hindi Magkapatid ?

"Haha. Princess don't be so rude to your friends". Saad ni kuya. Teka may nakakatawa ba sa sinabi ko. "So hindi pala ko nakukwento sa inyo ng kapatid ko ?".

"Yes po kuya". Sweet na sagot ni zhie-zhie na ikinasingkit lalo ng Singkit nang mata ni josh. Hmmm I can smell war here.

"Ah ganun ba. Hmm kaw princess ha hindi mo man lang sinasabi sa kanilang may kapatid ka". And then he pout. Takte kahit kailan talaga si kuya parang sira.

"Kuya Hindi bagay. Tiyaka hindi naman kasi nagtatanong yang mga yan kaya hindi ako nagkukwento". Walang gana kong sagot.

"Waah ang cute mo po kuya". Saad ni jannah. Ito na nga ba sinsabi ko eh.Ok Let's talk about Nathan's Syndrome.

"Ah hehe thanks. By the way No need to say po. Ilang taon lang naman Siguro agwat ko sa inyo tiyaka hindi ako sanay".Sabay kamot niya sa batok niya. Nahiya pa ang loko. Halos mapailing nalang Ako sa nakikita ko ngayon sa harapan ko. Pano ba naman kasi yung dalawang babae titig na titig kay kuya tapos sila josh naman ang sama na ng tingin. Pasalamat na nga lang ako nung dumating na yung pagkain kaya napatigil na yung dalawa.

Maingay. Ganyan kami kumain. Pano ba naman kasi tinadtad nila jannah ng tanong si kuya. Tanong dito. Tanong doon. Halos ikwento na nga ni kuya yung talambuhay niya eh. Simula nung Bata pa siya hanggang sa mag abroad siya. Hindi na ako nakinig pa sa kanila dahil halos alam ko na lahat ng kinuwento ni kuya.

Pero halos mabitawan ko yung hawak kong pizza sa Dahil sa mga sinabi ni kuya. "Umuwi lang naman ako dito dahil may pinapaasikaso sakin yung boss namin at para na rin sunduin ang prinsesa namin".

Pagkabigla. Gulat. Lungkot. kaba.

Yan ang mga naramdaman ko pag katapos kong Marinig yun kay kuya. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang tama kong Maramdaman patungkol doon. Oo Matagal ko nang alam to pero hindi ko parin magawang hindi mabigla tuwing maririnig ko yun.

Halata naman din ang pagkabigla sa muka nila dahil sa paglaki ng mata nila matapos sabihin yun ni kuya.

"Excuse me. Cr lang ako". I used to talk normal para hindi nila ko mahalata.

"Ok ka lang ba princess ?". Tinitigan lang ako ni kuya habang tinatanong sakin yun na para bang binabasa niya ang iniisip ko. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot Sabay ngiti.

Kailangan ko lang talagang pumunta sa Cr kasi nararamdaman ko na ang pag init ng gilid ng mata ko and I know anytime in this moment ay tatraydorin na naman ako ng mga luha ko.

Agad naman akong nakarating sa loob ng Cr at doon ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Parang automatiko nalang na kumawala ang mga ito sa mga mata ko. Pinilit ko namang pigilan ang mga paghikbi ko sa pamamagitan ng pag takip ng bibig ko gamit ang dalawang palad ko habang nakaharap sa sink ng Cr para walang Makarinig sakin. Iyak lang ako ng iyak ng mga oras na yon nang bigla akong nakaramdam ng kamay sa balikat ko.

Just Shut Up And Kiss Me [Wattys2016]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon