CHAPTER 1: Let Me Go .

11.8K 168 24
                                    

JHELIC'S POV 

"Alam ko Jhelic Makakahanap ka rin ng iba, Yung tipong totoong Magmamahal sayo"

"Pero Mark alam kong ikaw na yun  kaya plss naman wag mo kong iwan. Nakikiusap ako sayo."

Sambit ko habang tumutulo ang luha ko kasabay sa pagpatak ng ulan.

"Annesa naman , wag mo nang gawing mas mahirap pa to sakin."

"Sabihin mo nga sakin Mark may bago kana ba? Ha?"

Tanong ko sa kanya, pero parang gusto kong bawiin ang mga salitang yon dahil natatakot akong marinig ang isasagot niya sakin .

"OO !! Meron na kong iba ! Masaya kana ?!"

Halos manlambot ang tuhod ko ng marinig ko ang mga sagot nya, Parang ayaw ko sana syang paniwalaan pero seryoso sya nung sinabi nya ang lahat ng iyon .

"Mark ! O-ok  lang sakin na pagsabayin mo kami basta wag mo lang akong iwanan plss. Nagmamakaawa ako".

Nung oras na yon wala na kong pakialam kung magmuka akong tanga, Basta ang alam ko lang ayaw ko syang mawala.

"Ano ba Annesa ?!Pwede ba kahit ngaun lang huwag kang maging selfish ?!"

LET ME GO !!

Parang tumigil ang lahat ng nangyayari sa paligid ko ng marinig ko ang mga salitang yon . Kahit pagpatak ng ulan hindi ko na maramdaman ang nararamdaman ko nalang ay yung sakit na dumurog, Hindi lamang sa puso ko kundi pati na rin sa buong pagkatao ko .

*****BACK TO REALITY*****

Hindi ko Namalayang Tumutulo na pala ang mga Luha ko. It's been 5 Months ng Mangyari ang Bangungot na iyon sa Buhay ko.  Pero sariwang sariwa parin ang lahat ng nangyari sa Isipan ko. Araw araw kong Naaalala ang lahat ng iyon, Ang dami ding mga tanong ang tumatakbo sa isip ko hanggang ngayon. Kung bakit nya ko iniwan, Sino yung iba nya , AT kung minahal ba nya talaga ako ... 

"HAYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!"

Napabuntong hininga na lang ako sabay punas sa mga luha ko.

"BOOOOOOOM !!!"

"AYY ! Anak ng pitong pot pitong tupa naman Zhie-zhie oh !Papatayin mo ba ko sa Nerbiyos ?!"

Iritable kong sigaw sa kanya .

"Grabe girl ang epic ng muka mo, Promise. HAHA ".

Sambit nya habang tumatawa ng malakas . May nakakatawa ba don ? ibang klase talaga tong babaeng to ang babaw .

"Ewan ko sayo".

"Pfffft. Sorry hindi na. Bakit ka ba kasi tulaley~ ka na naman dyan ?".

Sagot nya habang nagpipigil parin ng tawa . Minsan hindi ko na din maintindihan si Zhie-zhie . Pero yung tanong .Ano isasagot ko dun ???? lagot naaa.

"Ahh ano kasi, ahh w-wala. Tama.. wala lang yon".

Nauutal kong sagot sa kanya . SHIT ! Bakit ba ko kinakabahan e si Zhiue-zhie lang naman to ..

"Iniisip mo na naman ba yung baliw mong ex ?"

Yan ang dahilan e kung bakit ako natatakot . Katapusan ko na T^T . Teka kailangan gumawa ng paraan ..

"Ano ka ba Zhie-zhie bakit ko naman iisipin ang ugok na yon ?".

Plss maniwala ka ..

" Dont deny it girl huli na kita eh".

Waaaaaah wala na huli na ko!

"Yah you go me there."

"Tsk. Ok Magbihis ka".

Just Shut Up And Kiss Me [Wattys2016]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon