Chapter 27: About Us

2.4K 68 5
                                    

JHELIC POV

"God Jhelic Anong nangyari sayo ?". Tanong ni jannah habang Tinitignan ako. Bigla naman akong natuwa dahil nag aalala parin pala siya sakin. "Don't tell me sila thea na naman ? Nako talaga yung mga yun sarap tirisin". Gigil na saad nito.

"Sinabi mo pa". Pagsang ayon naman ni zhie-zhie. "Halika nga sa Comfort room, Magpalit ka ang lagkit mo".

Hindi na ko umangal pa dahil kahit ako nalalagkitan na din sa sarili ko muka na nga ata akong basang sisiw sa lagay ko. Lintik na thea kasi yun sa Dami ng pwedeng ibuhos coke pa pwede namang tubig nalang. Pasalamat talaga siya at wala ko sa mood kanina kung hindi kalbo siya sakin.

"Hoy Babaysot tulala ka na naman maligo kana nga". Sigaw sakin ni jannah. Kanina pa pala niya kong tinatawag. Hay ano ba yan.

Imbes na sumagot pumasok nalang ako sa Cubicle dala yung pamalit ko. Buti nalang may extra ko kung wala baka umuwi akong hubo't hubad. Hay Nakakainis talaga yung thea na yun jusko. Pag Nakita ko talaga yun kakalbuhin ko na yun. Sasama ko na din yung mga alipores niyang mukang clown. Tiyaka si .. Hay wala pala. Bakit ko naman siya kakalbuhin eh wala naman siyang ginagawa. Hay Oo nalang.

Nagpatuloy nalang ako sa panliligo ko dahil sobrang lagkit talaga ng pakiramdam ko. Kuskos dito, Kuskos doon. Sabon dito, Sabon doon. Yan ang ginawa ko para maalis ang pagkalagkit ng katawan ko. Nang matapos na kong maligo Nagbihis na agad ako at lumabas.

"Sa wakas naman lumabas kana, kala ko kinain kana ng banyo sa sobrang tagal mo". Mataray na sabi ni jannah sakin Pagkalabas ko. Bumalik na naman siya sa dati. Napansin ko namang wala si zhie-zhie. "Wala si zhie-zhie tinext ni josh". Siguro napansin niyang hinahanap ko si zhie-zhie.

"Ah ganun ba". Para naman akong nakaramdam ng hiya. "Ah jannah".

"Hmm ?". Sagot naman niya.

"G-galit kaba sakin ?". Kabado kong tanong sa kanya.

"Not now Jhelic". Bigla namang sumeryoso ang hitsura niya.

"Pero jannah --".

"Pwede ba Jhelic wala ko sa mood pag usapan yan so drop it ".

"Jannah naman".

"Alam mo ba kung Anong nangyari Pagkatapos mo siyang iwan ? Alam mo ba Jhelic ? Hindi diba ! Hindi, dahil wala ka naman sa tabi niya nung nasasaktan siya". Sumisigaw na siya ngayon pero wala akong pakialam. "Hindi mo alam kung pano nasaktan yung tao. Araw araw siyang umiinom. At Kahit ilang buwan ko palang siyang kilala naging kaibigan ko na din siya, kaya nasasaktan din ako kahit papano para sa kanya".

"Alam kong nasasaktan siya sa ginawa ko". Sagot ko.

"Eh alam mo naman pala eh pero bakit mo parin ginawa ? Dahil ba hindi mo siya mahal ? Ha ? Di sana kumalas kana Jhelic nung maaga pa habang hindi pa siya nahuhulog sayo".

"Hindi sa ganon, hindi mo alam ang pinagdadaanan ko jannah. Nahihirapan din ako, araw araw

akong nagdudusa".

"Hindi ko alam ? Pwes sabihin mo sakin ! Ipaliwanag mo samin. Hindi kami manghuhula Jhelic simpleng tao lang kami. Bakit mo ba siya Iniwan ha ? Dahil may sakit ka ? Mamamatay kana ha ? KUNG HINDI ANO ?! IPALIWANAG MO !!".

"Sana nga may sakit nalang ako. Sana nga jannah para naman mawala na yung sakit na nararamdaman ko". Humahagulhol na ko ngayon. Ang sakit sakit parin.

"Hindi mo alam kung pano mo siya sinaktan". Sabi ni jannah sabay hakbang palabas ng CR.

Siguro nga tama si jannah. Noong Nakita ko siya kanina napansin kong, Namayat siya. Dahil sa ginawa ko sa kanya .

JOSH POV

Just Shut Up And Kiss Me [Wattys2016]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon