Chapter 41: YOLO

2K 38 8
                                    

A/N: GoodEvening Guys ! May WiFi na ulit ako kaya update muna XD.
Fb din para masaya at para Mas Masaya basahin Niyo yung Update ngayon ok ? Thanks :))

-----------

SMiLiNG is the BEST way to FACE every problem, to CRUSH every fear, to HiDE every pain.

Siguro nga tama yun because this past two days I tried to be happy in front of everyone and always assuring that they will not see the pain that I'm hiding inside.

"Sigurado ka ba TaLagang ayaw mong Pumunta ?".

Ngumiti nalang ako kay jannah habang nakatingin sa kanya. "Sinagot ko na yan two days ago pa ah".

"Oo nga pero malay mo diba nagbago na yung isip mo. Tiyaka dadalaw ka lang naman dun sa tao. Hindi ka din Makikita nun. Comatose siya remember". Sarkastikong sagot nito sakin. Yah Comatose si gab ngayon sa hospital. Sabi ng doctor mga ilang linggo lang din ay gigising na din ito pero kung kailan ? Walang nakakaalam.

Dalawang araw na din nung nangyari yung insidenteng yun. Pero kahit na dalawang araw na ang lumipas ay hindi ko parin alam kung ano ba talagang nangyari dahil ni isa sa kanila walang nagkukwento sakin at dahil narin sa hindi ako dumadalaw sa kanya. Bakit ? Ewan.

** Flashback **

(" Jhelic .. Jhelic ..

Nasaksak si Gab ".)

And in a cue bigla ko nalang nabitawan ang teleponong hawak hawak ko.

Noong oras na yun ay hindi ko magawang maigalaw ang mga kamay ko kahit ang mga paa ko ay ganun din. Para kong naistatwa ng araw na yun.

Hindi ko alam kung Anong dapat kong gawin noon. Kung tatakbo ba ko para puntahan siya kung nasaan man siya o tatawagan ko muli si jannah para tanungin ang kalagayan niya ?

Ngunit maalin man sa dalawa ay wala kong ginawa. Nanatili lang ako doon sa pwesto ko ng oras na yun habang nakatingin sa Malayo. Hindi ko alam kung bakit wala kong pinili dun sa dalawang yun para kasing may kung ano sakin na nagsasabing ito ang marapat kong gawin.

Napansin ko din na walang Tumutulong luha sa mga mata ko pero hindi na ko Nabigla doon dahil parang alam ko na kung bakit. Siguro dahil sa Napagod na din yung mga mata ko sa pag iyak dahil sa kanya. Siguro napagtanto Nilang yun ang dapat.

Noong araw na yun ay hindi ko nagawang kumain man lang kahit na Subukan ko. Hindi ko alam kung bakit.

Ang alam ko lang ay wala akong gana.

** End Of Flashback **

"Ms. Garcia and Ms. Guevara are you still listening  ?". Saad ng Economic teacher namin. Ito kasing si jannah ang daming sinasabi kaya ayan Nadadamay na ako.

"Ah yes Mam". Simpleng sagot namin. At Pagkatapos naman nun ay nagpatuloy nalang siya sa pagdediscuss.

"Ok class as what I'm saying Economics is divided into two branches which is the Macroeconomics and the other one is the Microeconomics where .. Blah blah blah blah blah blah". Hay bakit ba ang boring ng subject na to. Kung hindi lang Siguro Ako Makikita ni Mam ay kanina pa kong natulog dito sa upuan ko. Sino ba naman kasing estudyante ang gugustuhing makinig ng mga Ganitong discussion sa loob ng 3 oras Aber ? Tignan ko lang kung hindi kayo antukin

Just Shut Up And Kiss Me [Wattys2016]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon