06 Parents meets Wolf

1.7K 80 15
                                    

"Moks, no!" Palo ko sa kaniyang kamay nang makita kong palihim siyang dumudukot sa aking jollibee XL fries.

"My fries is off limits, bitch." Paniningkit ko kay Moks. Sumimangot ito sa akin.

Tama naman 'di ba? Ang ibig sabihin ng bitch ay female dog, mukha naman kasing babae 'tong si Moks sa haba ng hair. Kung ngayon mo lang nalaman 'yan, congrats! You learned something new. 

Tinignan ko ang dalawang buketa ng extra large fries sa tabi ni Moks. Ubos agad. Hay nako.

"Ang takaw mo, alam mo ba 'yun? Nakadalawa ka na nga eh gusto mo parin akong dukutan? Aba na-spoiled ka ata!" Palaro ko itong pinalo sa pwetan.

Ngumutngot naman ito at tumabi sa akin. Nasanay na ako na ganito si Moks. Pag alam niyang meron siyang masamang nagawa ay tumatabi ito sa akin at naglalambing. Para akong may anak na damulag.

"Psh, kadire kayo. Get a room guys!" Reklamo ni Lumin sabay bato ng throw pillow sa aming dalawa. Sa isang pikit-mata ay kumilos ng mabilis si Moks at sinalo ang nasabing unan na dapat ay lalanding sa mukha ko.

Kung inaakala ninyo na nagulat kami, nagkakamali kayo. Lumuwa lang naman ang mata namin sa pagkamangha.

"Lia, may mali talaga sa taong yan."

Napatango ako ng marahan. "Mutant?"

"X-Men ata 'to eh." Baliw baliwan naming usapan.

Humarap ako kay Moks, "Hoy, ikaw. Identify yourself. Are you a mutant or a human? Baka naman galing ka sa lahi ni beast?"

Tumunganga lang ito sa akin. Napaurong nalang ako bigla nang iaabante niya ang kaniyang mukha sa mukha ko. At balak pa ako dilaan ng mokong!

*Click*

Narinig ko nalang ang malakas na tunog ng camera. Bumali ako ng leeg sa direksyon ni Lumin. Ang aking brotha, nakangising nakataas ang kamay habang hawak hawak ang kaniyang cellphone.

"Hmmm, pang telanobela." Komento niya habang tinitignan ang screen nito.

"Hoy, burahin mo 'yan!" Panunuro ko sa kanya.

"No way, sistah. Magagamit ko din 'to pang blackmail sa'yo pagdating kay Jin." He winked at his wicked thought.

Tumayo at sinugod ko siya. Talagang maldito talaga 'tong kambal ko.

Sinampahan ko siya, "Akin na ngaㅡ"

Bumukas ang pintuan ng aming munting bahay.

"We're home!!!!"

Sabay kaming napalingon tatlo.

"Ma?!" Gulat kong kibi.

"Pa!" Sigaw ni Lumin.

"Grrrr.. Arf!" At well, kahol ni Moks... Teka.... Sheet! Si Moks!

Tumayo ito at tumakbo papunta kay...

"Ma!!!!" Ang Sabay sabay naming sigaw.

BLAG!

"Aaaaccccckkkkk!"

Uh-oh

Nakadambang lang naman si Moks kay mader.

"Who are you? Get off! Oh my gosh! Stop licking my face!" Tuloy tuloy na reklamo ni mama.

Tumulong naman si papa na tanggalin si Moks sa ibabaw ni mama.

How To Train A Wolf BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon