26 Get Thy Sheet Together

1K 52 5
                                    

"You're falling for Moks, aren't you?"

Ha?

Rebecca released a huff. "I knew it. . . This is going to be bad. . ." I heard her mutter to herself.

"What's bad?" I asked. "Bakit naman masama na magkagusto ako sa kanya—" my eyes quickly widen in surprise. What did I just say? Rebecca did the same for a split second but it was replaced by an arching brow and a questioning look.

"Magkasiguraduhan nga tayo, siino pipiliin mo? Jin o siya?" her face turned serious. Jusko, feeling ko nasa hukuman ako. Don't make me choose, utang na loob. I chewed my lip and avoided rebecca's gaze.

"I'm waiting?" she said impatiently.

"Parehas silang mahalaga sakin—"

"— pero?" 

"Walang pero! Ano ka ba! That's it. Mahalaga silang pareho."

"Oh please," she rolled her eyes at me. "Who you fooling? That's bullsheet! Hindi pwedeng dalawa, may mga pagkakataon na kailangan mong mamili sa dalawang isda."

"Anong akala mo sa kanila, tinitinda sa palengke? Ano sino lapu-lapu? sino tilapia?" I awkwardly joked. "Saka bakit ba bothered na bothered ka?"

Siya naman ang umiwas ng tingin, "Nag-aalala lang ako." she said in a small voice. I understand her, she cares more than my own mother, to be really honest. Minsan nagtataka nga ako kung siya 'yung nagluwal sa akin eh.

"I can handle myself, Reb. I'm still confused but give it a time," I sighed. "I- I can't choose right now."

Ipinatong niya ang palad niya sa kamay ko. "I'm sorry for being too nosy, pero gusto ko lang sabihin sayo na matagal mo nang kilala si Jin, bata pa lang tayo, gusto mo na siya. I'm not the one to decide for you but I hope you realize Jin's efforts." she said. With her words, hindi ko maiwasan na isipin na boto siya kay Jin instead na kay Moks. Pero given naman yun 'di ba? Magkakaiibigan kasi kami kaya sa mas pipiliin niya ang taong matagal na naming kilala para sa akin.

Hindi ko namalayan na napabuntong hininga nalang ako. Parang disappointed ako? Gahh...

Bumukas ang pinto at pagtingin namin ay nakapagpalit na ng damit si Moks. Ngumiti ito sa akin pero napatingin ako sa bandage niya sa braso at saka ko naisip na hindi magiging madali kung tuluyan akong mahuhulog sa kanya. Paksheet men!

"Hoy Antlia, bakit mo sinusuntok yang dibdib mo?!" gulat na tingin sa akin ni Reb. O fark, di ko alam na ginagawa ko pala talaga yun? Akala ko iniisip ko lang eh. I awkwardly adjusted my arms, faked scratching the back of my head.

"Wala, pasaway lang kasi si heart." I joked and Rebecca shook her head at me. 

"Nga pala, ngayon yung get together nating magkakabarkada pero hindi ka papayagan lumabas for sure kaya hindi nalang din ako sisipot. I texted them na hindi tayo makakapunta. . ."

Ngayon nga pala iyon. Sa dami ng mga nangyayari, nakakalimutan ko na yung mga ibang bagay. Dati, ang carefree lang ng buhay ko pero ngayon hindi ko na magawa dahil may nagbabalak ng masama sa pamilya ko. Hindi ko alam kung ano ba ang naging kasalanan ko at nararanasan ko ang mga sitwasyong ganito. Masyado naman atang unfair ang kapalaran.

"Reb," I smirked evilly. "Takasan natin Mama mo." I said and she stared at me incredulously.

"Are you nuts?!" She freaked out.

"Sige na! Ang tagal na nating hindi sila nakikita, saka sandali lang tayo." I pressed. She pursed her lips together, thinking hard. Pumayag ka na kasi, babae.

How To Train A Wolf BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon