24 For My Amusement

1.1K 50 7
                                    

Isang week na kaming namamalagi dito sa bahay nila Rebecca. Papa suggested to stay in our condo but Ninang Flora insisted for us to stay here. Mas makabubuti kung abot paningin daw kaming dalawa ni Moks ng isang kapamilya. Mas safe at mas nakakapanatag daw sa loob. Totoo naman ang mga sinabi ni Ninang. Mas gusto ko na ding dumito muna.

Hindi na ako nakakatulog ng maginhawa pasimula ng manyari ang pambabaril kay Moks. Gumigising ako sa kalagitnaan ng gabi at aabutan namang binabangungot si Moks. Parehas lang kami ng sitwasyon ngunit hindi ko alam kung ano ang istorya sa likod ng mga masasamang panaginip niya.

Kaya naman ngayon ay naisipan kong gawin ang araw na ito na stress-out day!

Lahat kami ay nasa bakuran ng tahanan nila Rebecca. Magkatabi kami ni Reb sa duyan habang ang mga magulang naman namin ay nag-uusap usap habang nagkakape. Si Moks naman ay kalaro ang pusa ni Rebecca na si Silvester. Akalain mo iyon? Aso at pusa, naglalaro? He he.

"Reb, let's go out." sabi ko habang nagpapadyak ng duyan.

Napalingon si Reb, "I don't think they're going to allow us. . ." mahinang tugon ni Reb habang nakabaling ang tingin niya sa direksyon ng mga magulang namin. I sighed. Alam kong hindi sila papayag pero natitigang na ako dito. Kailangan ko ng libangan kung hindi baka tuluyan na akong lamunin ng kabaliwan.

Tumayo ako at naglakad papunta kayla Mama.

"Can we go out?"

"No." Well, I tried.

"Saan ba?" singit bigla ni Papa. Nakita kong pinaglinsikan ni Mama ng mata si Papa. Pero dedma ang peg ni Pa. May hope pa na natitira! Yes! Sunggab sunggab din pag may chance.

Nag-isip ako kung saan pwede dalhin si Moks, sa isang lugar kung saan sigurado akong mag-eenjoy siya. "Mmm. . . Sa Zoo!" ngiti kong sagot.

"Ha?!" sambat nilang lahat. Pati si Ninang binigyan ako ng nakakalokang tingin. Hindi siguro nila mapagtanto kung bakit sa dinami-dami ng pwede kong puntahan ay naisipan kong mag zoo.

"Prep lang?" tawang pagbibiro ni Reb.

"Loka! Kasi tignan mo si Moks, mukhang malapit siya sa mga hayop."

Lumiwanag ang expression sa mukha ni Reb, "Ah, you mean malapit sa kauri?" biro na naman nito. Hindi ako natuwa eh. Parang naasar pa ako. "Uy, joke lang! Ikaw naman masyado ka maka-defend d'yan kay Moks." ika niya. Binelatan ko lang na parang bata si Reb.

"Ok." Nabaling ang atensyon naming lahat kay Papa.

---

Nagmistulang isang malaking Family Field Trip kami ngayon dito sa Avilon Zoo. Susmiyo, bakit ba naging ganito ang turn out. Hindi ito ang pinalano ko. Ang plano ko, kami-kami lang nila Reb. Akalain ko ba na may kapalit ang Ok ni Papa. At naka dress code pa talaga kami - Blue shirts, para daw madali ma-spot. Eh, napatingin ako sa mga taga-linis. . . naka-blue shirts din sila. Napakamot nalang ako sa ulo.

"Mauna na kami!" sigaw ko habang hinatak si Moks. Ang babagal kasi maglakad nila, palibhasa mga gurang na. LOL. Narinig ko pa ang pagtutol ni Mama at ang pagsigaw ni Papa at ni Reb sa pangalan ko.

Lumingon ako, "Kita kita nalang 5pm!" sigaw ko sa kanila. Humahabol naman si Reb. Ay sus, sinabi ko na kasi sa kanya na tawagan niya si Jaredd para may ka-date siya, ayaw niya naman. Makikigulo pa 'to sa amin.

"Teka! 'Wag niyo ko iwan!" sigaw nito ng makaabot sa amin. I rolled my eyes at her, huminto ako sa pagtakbo.

"Call Jaredd." humalukipkip ako.

How To Train A Wolf BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon