14 She's a wrong and right conduct

1.4K 84 12
                                    

"I am not allowing this peasant to step even a toe inside my house," Lola said venomously, her nose flaring in anger.

Galit na galit siya dahil pinitas ni Moks ang mga roses niya. I know she likes roses though it's still a mystery to me why she's so obsessed with them. Naalala ko dati nung mga bata pa kami. Napagtripan ko din kasi yung mga roses niya kaya pumitas ako at ginawa itong kasangkapan at sahog sa luto-lutuan ko. I served it pa nga sa kanya 'e, kaso sigaw yung sinukli sa akin imbis na 'thank you'. Since then, takot na ang lahat galawin ang mga roses niya. I think even inhaling their scent is also considered as a crime in her point of view.

"La, I told you. He's kind of mentally challenged. . ." Is he? Ang gulo kasi, e.

"If that's the case he'd be better if I put him to the confinements of white walls,"

"What no! You can't do that. Dad is working on finding his parents. He's staying with us."

"Forget about it, my rules now." She said and turned her back on me.

Ano? Hindi ako papayag sa gurang na 'to.

"I'll leave now. Thanks for inviting me," I said bitterly. I grabbed Moks' arm, dragging him with me. I'll get out of this hell.

Nang makarating ako sa great gate ay lalo ako nabuwiset. Pinasara na ng gurang yung gate! Paano ako lalabas? Hindi ko naman kaya akyatin 'to. It's like 10 times taller than me, I exaggerated but that's the point, its freaking tall!

I groaned. Pagkatingin ko ulit sa bahay ay nakahalukipkip ito sa may pinto habang pinapanuod kami. Marahil natutuwa dahil hawak niya parin kami sa leeg.

Pangalawa palang ito sa mga bagay na kinaiinisan ko kay lola. She's a manipulative star player bitch. Kung may tunay na bitch nga sa angkan ng mga Garcia ay marahil siya na iyon. Walang pamana si Mama sa gurang na 'to.

"OPEN THIS GATE, LA. I'M SERIOUS!" I yelled, still standing by the closed gate.

Akala ko ay pupuntahan niya kami bagkus pumasok ito at nang makabalik ay may dala dala ang isang pulang megaphone..

"There's no way out, my grandchild. It's either you get back here or you face the consequences!" she said using the megaphone.

Sinuri ko ang buong paligid. Desperado makakita ng kahit katiting na daanan palabas kaso wala eh, secured talaga ang buong hacienda. Ang taas ng mga bakod.

So ano na, Antlia? Papatalo ka nalang?

Biglang nagliwanag ang paningin ko ng makaisip ako ng isang ideya. Ngunit panandalian lang itong lumiwanag dahil bumigat at tumalim din ang mga mata ko. Don't worry, hindi ako papatay ng tao. Tama lang na may nakatago akong baraha under my sleeves.

Hinugot ko muli si Moks at hinarap si Lola sa may pinto. "Let us in, 'la," I said without emotions.

"You're always welcome, Antlia," she said, smiling like she knew she's the victor. He stared at Moks for a second before shifting back her attention on me. "But this boy, he'll dirty my house. He's far from being accepted."

"Come on 'la. I'll stay for three days just let him in. He's a good fellow."

Biglang napakunot-noo si gurang. Pinagiisipan niya siguro kung kakagat siya sa patibong ko. Nalala ko kasi na sobrang strict at may pagka-clean freak 'tong matandang 'to. Ayaw niya din ng burat kung kumilos.

Kaya ang plano ko? iinisin ko si Lola sa pamamagitan ni Moks. For sure, hindi makakatagal ang gurang na ito sa mga kilos ni Moks at eventually, tuturuan niya si Moks ng mga tamang pag galaw. I'll take her OC disorder to a new level para naman may pakinabang.

How To Train A Wolf BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon