17 Uninvited

1.4K 71 16
                                    

Sunday.

Muntik muntikan na ako mahulog sa hagdanan namin dahil nagmamadali akong bumaba at hanapin si Papa. Nakita ko si Winter sa may sofa, nagchichill habang nanunuod ng TV. Wow, okey 'to ah! Pa-TV TV na lang. Ang sarap siguro maging aso.

"Winter!" Tumingin ito sa akin. "Si papa?" Oo, don't underestimate my dog. He could be more smarter than you are.

Tumayo ito sa kinauupuan niya at tumakbo papunta sa bakuran. Sinundan ko siya kasi alam kong he's showing the way. 

Doon sa may bench malapit sa mga orchids at roses ni Mama, nakita kong nakaupo si Papa. May envelope siyang hawak hawak. Siguro mga papers sa business.

"Thanks Winter," I said and leaned down to pet my dog. Tumayo ulit ako at pumasok na muli sa loob si Winter.

I aproached my pudra. "Pa, buhay pa ba yung mga grade 1 to elementary books ko?"

Nagulat siya at nakita kong ang pagmamadali niyang itago ang mga papeles na binabasa niya kani-kanina lang. Sobrang Top Secret ba iyon kaya parang takot na takot siyang may makakitang iba? Kahit ako? Grabe din itong pudra ko eh, paranoid. 'Di ko nalang pinansin ito binigyan pansin pa. He's a lawyer after all, him and my mom. Baka may kaso lang na sobrang bigat kaya ganoon nalang siyang ka-protective sa mga papers niya.

"Antlia! You're here!" Patawa niyang sinabi. Gulat gulatan lang?

"Pa hindi, may kakambal ako. Hindi si Antlia 'to." I playfully rolled my eyes at him. He laughed.

"What was your question again?"

"Yung mga libro ko noong nasa grade school at elementary pa ako, buhay pa?"

Tumingala siya para mag-isip and mumured something between "Nasaan na nga ba? Si Ma lang nakakaalam nun eh," then he looked at me. "Hindi ko alam anak, try mo hanapin sa attic natin."

I groaned. Bakit ko nga ba tinanong pa si Papa. Dapat kay Mama ako nagtatanong, kaso kasi wala si Mama. Nagshoshopping na naman kasama yung Mama ni Rebecca. Iyong magkapatid talagang iyon, ang hilig mamili ng mga designer clothes na hindi naman nila magagamit araw-araw. Mabuti nalang hindi ko namana iyon kay Mama. 

"Bakit mo nga pala hinahanap etong mga luma mong books? Nabobobo ka na ba anak at kailangan mong magbalik tanaw?"

"Pa naman, I don't like that joke. Gagamitin ko para kay Moks." I said with a pout. He laughed again.

"He's learning fast, I can see, tuturuan mo na siyang magsalita?" Tanong sa akin ni papa ng may pagtataka.

"Mmm," Tumango ako ng may pag-aalinlangan. "I'm not sure about that pero tignan ko kung kakayanin niya i-take all in." I answered then he nodded.

"Sige Pa, iwan na kita. Maghahalungkat lang ako sa attic." Iniwan ko na siya doon at pumasok ulit sa loob ng bahay.

Mabuti nalang at napapanatilihang malinis ni Mama itong attic namin kaya dust free at malinis ito. Hindi amoy luma at lumot or whatever an old smell should be like in words. Ang dami pala naming mga old toys dito. Hindi pinamimigay kasi noong bata pa kami ni Lumin, umiiyak siya pag sinasabi nila Pa at Ma na i-dodonate na nila yung mga old toys niya. Sabi niya kasi may special value lahat iyon sa kanya kaya heto sila ngayon, nakatengga lang sa taas ng bahay namin. Paspecial special value pa itong nalalaman ang kakambal ko pero tignan mo, nasaan ang special doon kung naka-nganga lang naman itong mga laruan niya. Bigla ko tuloy naaalala yung Toy Story na animation. Nakakalungkot lang pagmasdan ang mga laruan namin dati.

Napatingin ako sa may sulok, ang daming mga kahon na patong patong. Nagbaka sakali ako na doon matagpuan ang mga luma kong libro.

Not bad, mga photo albums nila Mama at Papa itong mga nakita ko. Kinuha ko ang mga ito para meron akong matripan tignan. Binuklat ko ang isang photo album na nagsasabing "Circle Five". Puro mga barkada lang pala 'to ni Papa eh. Napabungisngis ako ng makita ko ang limang binatilyong masayang nakangiti sa loob ng litrato. Ang papayatot pa nilang tignan pero eto lang ang napansin ko, lahat sila gwapo. Namukaan ko agad si Tito Gregg, ang papa ni Jin. Pati nadin si Tito Orlando, ang papa ni Rebecca. Shet, ang gwapo pala ng daddy ni Jaredd noong kabataan pa? Kaso bakit hindi sila magkamukha? mas kamukha pa nga ata ni Moks si Tito eh. Parehas maamo ang mukha. Ang gwaping din ni Tito Math, ang papa ni Kode, kaso maagang pumunta sa heaven si Tito.

How To Train A Wolf BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon