25 A Turn Of Amusement

1.1K 59 14
                                    

"Bakit? Masama ba na nandito ako?"

Mabilis akong nakarecover sa pagkagulat. Pinagmasdan ko si Jin. Nandito talaga siya. Ay hindi Antlia! Kaluluwa niya lang 'yan. Hindi si Jin 'yan. Eksena na naman ng inner self ko.

"Hindi naman, nagulat lang ako?" I uttered in slight confusion, looking at Reb for some legit explanation. She snickered instead of saying something. She gestured a call with her hand and that's where I realize how Jin got here with us. Tinawagan pala ni Reb. Sa dinami dami ng pwedeng tawagan, talagang si Jin pa! Lokaret talaga 'tong si Reb.

Hinigit ko si Reb palapit sa akin at binulungan ito, "Bakit mo naman pinapunta dito si Jin?"

She shrugged, nagkukunwari pang wala siyang alam. "What's the big deal? Eh wala ako makasama eh." She grinned and I hissed at her. Gumaganti lang siya kasi pinagtabuyan ko siya kanina kaya tinawagan niya si Jin para maging uncomfortable ako. Alam niya kasing crush ko si Jin. Pfft. Eto ang mahirap sa mga taong nakakalaman halos lahat ng sikreto mo. Pag may pagkakataon, pwede nilang gamitin ang mga kahinaan mo sa pangbla-blackmail.

"Hindi na tayo bate, dun ka!" pagtataboy ko na naman dito. She mockingly laughed at my actions. Bata na kung bata pero 'di ko siya kabate ngayon. Hmp!

"Antlia, puntahan natin 'yung mga white tigers." Yaya ni Jin ng nakangiti. Binalik ko ang ngiti at tumango.

"Moks, tara!" hinigit ko si Moks at inirapan si Reb, "Taksil!" I mouthed at her. She flipped her hair and laughed mockingly. Nagulat ako ng bigla nitong hawakan si Moks at inagaw sa akin. I frowned instantly. "Anong ginagawa mo?" I asked, still frowning.

"You have Jin with you, at least let me borrow Moks." she answered as I saw her linked their arms together. Asar. Hinatak ko si Moks at pinagdilatan ito. Ano, sasama ka kay Reb?! Napakamot ito sa batok.

Jin coughed and I automatically turned my head at him. He seems unhappy?

"Actually, I would like to have an alone time with you, if that's okay. I want to say something important." Jin stated, looking intensely at my eyes before glancing at Moks. "Please..."

Napabitaw ako kay Moks nang marining ko ang huling salita ni Jin. It must be really important for him to say it that he had to plead.

"Okay," My tongue naturally slipped. Lumingon ako kayla Reb at Moks. "Magkita-kita nalang tayo sa entrance. Mag-ingat kayo." The two of them nodded. Tumalikod muli ako para yakarin na paalis si Jin nang maramdaman ko ang pagpipigil na hawak sa wrist ko. Sabay kaming lumingon ni Jin at nakita ko ang mahigpit na pagkakahawak sa akin ni Moks. Now, I'm the one who's giving him a confused look. 

"Bakit?" I asked. He stared at me like he wants to say something but he couldn't. I gave him a quite few seconds to stare at me before I asked again, "What's the matter? Ayaw mo ba sumama kay Reb?"

I heard Rebecca released an offended gasped. 'Di ko ito pinansin bagkus nakatingin lang ako ng mariin kay Moks. Bumuntong hininga siya bago dahan dahang umiling sa akin kasabay nang dahan dahang pagluwang ng kapit niya sa aking kamay. Unti-unti niya akong binibitawan na parang nanghihinayang siya sa ginagawa niya. Mali maramdaman 'to pero bakit ang pakiramdam ko, parang pinauubaya niya ako sa ibang tao. Bakit ganito? Bakit parang ayokong bumitaw siya?

His hand was slipping. . . slipping. . . slipping until our fingers touch. . . Huwag.

But then, we lost the contact.

"Antlia, let's go?" naramdaman kong higit ni Jin. 

"Ah, ah— sige, tara."

How To Train A Wolf BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon